CHAPTER 8

54.6K 2.5K 1.2K
                                    


Nandito kami ngayon ni Gale sa labas ng Discipline's office hinihintay mga magulang namin habang si Gale iyak ng iyak at sorry ng sorry sa akin.

"Masasayang n-nireview mo, Eloisa. Kahit ako nalang kasi m-mazero." She cried at my shoulder and I just kept on caressing her back.

"Okay lang yon, Gale. Grades lang 'yon." I smiled at her and caressed her back.

"S-Sayang p-pagturo sayo ni Parker sorry talaga, Eloisa." Ang ingay niya umiyak at hinihintay lang namin ang mga magulang namin.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano haharapin ngayon si Parker dahil sigurado akong kalat na ang nangyari sa amin ni Gale kanina. Nahihiya akong harapin siya kasi siya yung Tutor ko tapos malalaman niya nagcheat ako? Hindi ko nalang alam kung anong mukha ihaharap ko sa kanya talaga eh.

"Eloisa." I looked at Dad and she looked at Gale. "Bakit ka umiiyak, Gale?"

"Ikaw talagang bata ka!" Biglang sinabunutan ng Mama niya si Gale at nanlaki ang mata ko. "Hindi ka namin pinalaking mandaraya!"

"T-Tita, tama na po, ako po yung nangopya k-kay Gale." I said to make her Mom stop at mukhang napatigil nga ang Nanay niya at napatingin kay Dad. "P-Pasensya na po."

Nanlaki ang mata sa akin ni Gale hangang napag-usapan sa loob ng Discipline ang punishment namin. Zero kami sa test na 'yon at hindi na kami papakunin ng iba pang exam.

"Bakit mo naman ginawa 'yon, Eloisa?" Gale said while crying andito kami ngayon sa classroom iyak siya ng iyak.

"Hindi ka titigilan ni Tita i-explain ko nalang 'to kay Dad maiintindihan niya naman." I smiled and caressed her hair.

"Eloisa papunta dito mga section one ng STEM!" Sabi ng kaklase ko at nanlaki ang mata ko at nagtago sa likod ng pinto.

"Sabihin niyo absent kami ni Gale."

"Is Eloisa there?" I heard Parker asked and my classmates said 'No'. "W-Where is s-she? I wanna talk to her."

I can't help but to close my eyes tight because I don't really know kung paano ako haharap lalo na sa kanila ni Wendy dahil pinapatunayan ko lang na kumpara kay Wendy walang-wala talaga ako.

"Hindi namin alam, pre." My classmate said.

"Tara na, Parker. Baka kasama na nila parents nila." Wendy said and I heard their footsteps and I let out a big sigh.

"S-Sorry talaga, Eloisa."

"Okay lang nga baliw ka." I said to Gale at naupo kami sa upuan namin.

Susubukan kong bumawi sa Phy Sci dahil sigurado akong malaking hatak 'yon, next sem nalang ang bawi ko dahil tapos na first sem namin at wala na akong pag-asang mahatak 'yon dahil pabaya ako noon.

"Bakit hindi ka nagpakita kala Parker?" Gale asked while we're walking at the school papauwi. Hindi ko muna sisiputin sa Tutor si Parker dahil nahihiya ako.

"Nahihiya ako eh." Napunta sa wala ang pinaghirapan naming dalawa sobrang hands on niya ba naman sa pagturo sa akin sa Physical Science kaya mas lalo akong nahihiya.

"Sorry talaga-"

"Okay lang nga, babatukan na kita eh." Nagpaalam siya sa akin at sumakay na sa service niya habang ako naman ay naglalakad na papunta sa sakayan ng jeep.

May jeep na nakahinto at nang makita ko sila Parker at Wendy ay agad akong umatras at naglakad palayo upang sumalubong ng jeep.

"Hey." He hold my wrist making me face him. "I heard what happened."

Sailing Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon