Chapter 8

21.9K 1K 302
                                    

Terry

Iinat inat na bumangon ako sa kama.

Shocks. Ang sakit ng katawan ko. Ang laking tao kasi ni Sam tapos pinagkasya pa namin yung sarili namin dito sa kama. Yung kama pa naman pang maliliit-friendly lang. Siguro sakto lang iyon sa height ni Ate Corinne na 5'7 tapos nakalawit ng kaunti yung paa. Paano pa kaya si Sam?

Speaking of Sam. Where is she?

Ang aga pa. It's just ten in the morning. Halos mag aalas-kwatro na kami nakatulog. What's weird is that pagkahiga pa lang nito ay mabilis na itong nakatulog. Maging ako man ay ganoon din.

Iinat inat na bumangon ako. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko na si Samantha na prenteng nakaupo sa kahoy naming upuan while sipping her cup of coffee.

Feel at home si giraffe sa bahay aa.

"Hey, Goodmorning!" She gave me a sweet smile.

Weh? Si Sam? Seryoso?

Pupungas pungas na kinurap kurap ko pa yung mata ko. She's chuckling.

"Nakatulog ka ba ng maayos? Ang aga mong bumangon." medyo nag aalalang tanong ko.

"Nakatulog naman ako. Three hours of sleep is already fine with me. Tapos tulog ulit ng hapon. Kaawa ka kasi. Mukha kang tuko kung makakapit sakin."

"Yucks! Asa ka. Ikaw nga tong makayakap sakin kagabi. Tapos pag aalisin ko yung kamay mo dahil mainit, lalo ka pang yayakap."

"Don't tell lies, Terry. Ako? Yayakap sayo? Dream on."

Hah! Ang yabang talaga nitong giraffe na 'to. Akala mo talaga kagandahan na maraming magkakandarapa.

Which reminds me of her whereabouts kagabi.

"Saan ka nga pala nanggaling sa kagabi?"

Napasimangot naman ito. Siguro naalala nito na sinabihan ko syang amoy lantang bulaklak. Pero ang totoo, mabango pa din naman sya. Ayoko lang ng ideya na may pinuntahan syang iba bago nya ako inuwian.

I'm not the type who will settle for being an option. I know my worth. Besides, as far as I'm concerned, we're engaged.

"I just helped a friend."

"Helped a friend with what? With changing clothes? Amoy alak ka at amoy stench of blood."

Tumayo naman si Sam. Noon ko napansin na bagong ligo na ito at iba na ang suot na damit. Actually, mukha itong varsity player dahil nakasuot pa ito ng jersey.

"Don't ask too much. You're being nosy you know?"

Turn ko naman ang mapaismid sa kanya. How dare her! May patulog tulog pa sya dito na akala mo concern talaga sakin.

"Why weren't you answering my call when I called you back?"

"Dahil baka maabala ka. Nakakahiya naman."

There's a playful smile on her lips.

"Oh, then what about the 'I need you' line?"

Tsk. Bakit ko ba sinabi yun? Natatakot kasi ako matulog pag alam kong mag isa lang ako sa bahay. Okay lang yung mag isa sa kwarto. Pero yung mag-isa sa bahay, ibang usapan na yun. If Ate Corinne is just here. I won't even bother to call her no. Feelingera masyado.

"Sino kaya yung kumakatok ng madaling araw para makitulog?"

Inirapan ko sya. Tigas kasi ng mukha nya. Syempre hindi ako papatalo. She needs me more than I need her. We're just quits.

"So ibig sabihin hindi mo talaga ako kailangan?"

Umiling ako. Umaga na kaya ngayon. So yeah. Hindi ko na sya kailangan. She can already go home for all I care.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon