CHAPTER 28

912K 33.6K 42.1K
                                    




CHAPTER 28

LAHAT AY nagulat sa isiniwalat ni Rembrandt. Binalot ako ng matinding kahihiyan! Sa unang pagkakataon ay naging mahina sa pandinig ko ang boses ni Zarnaih. Sa kabila ng respeto ko sa pamilyang Moon, hindi ko sila matapunan ng tingin ngayon. Dahil ang paningin ko ay naroon lang kay Maxwell. Walang nagbago sa malamig at blankong ekspresyon sa kaniyang mukha. Nagsisimula na akong matakot sa mga posible niyang sabihin at gawin. Nag-aalala akong bigla na lang siyang magdesisyon na hiwalayan ako dahil sa mga narinig.

"Maxwell..." mahinang sambit ko.

Ang paningin ni Maxwell ay naroon pa rin sa kaniyang plato. Wala pa ring nagbago sa reaksyon niya, nananatili iyong malamig at blangko. Siya ang pinaghuhugutan ko ng lakas ngunit heto at pinanghihina niya ako.

"Maxwell, nagsinungaling lang ako sa kaniya noon," gumagaralgal ang tinig kong sabi.

Nanginginig at natatakot man ay humakbang ako papalapit. Nang walang magbago sa reaksyon niya ay muli pa akong humakbang. Ngunit sa ikatlong pagsubok ko ay bigla siyang tumayo. Sa gulat ay awtomatiko akong napahakbang paatras.

"Maxwell..." naluluha na namang sambit ko.

"Please talk to him," mahina man ay narinig kong sinabi ni Maxwell.

"Maxwell..."

"Don't mind me. Just talk to him," bahagya man ay ramdam ko ay diin nang ulitin niya 'yon.

Pero nang sandaling iyon ay siya ang gusto kong sabihin. 'Ayun at isa-isa nang namumuo sa isip ko ang mga paliwanag ko sa kaniya.

"Thank you, Maxwell," hindi ko inaasahan ang lakas ng apog ni Rembrandt. Ganoon ang sinabi niya pero ang pagiging presko ay hindi nawala.

Awtomatiko siyang tinapunan ng malamig na tingin ni Maxwell. "Keep your distance, I'm warning you."

Umasta siyang lalakad na palayo nang matunugan ang nakakalokong pagtawa ni Rembrandt. Muli itong tinapunan ng malamig na tingin ni Maxwell.

"Ako ba talaga dapat ang dumistansya?" naroon ang tapang sa tinig ni Rembrandt. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko ngayon lang? Legally, she's mine. You wouldn't want to break the law, right, doc?"

"Rembrandt, ano ba!" bulalas ko.

Ngunit nataranta ang lahat nang sugurin ni Maxwell si Rembrandt. Sa bilis at laki ng mga hakbang niya ay ni hindi man lang nakakilos si Rembrandt sa kinatatayuan. Mas napakilos ang lahat nang dakmain ito ni Maxwell sa kwelyo. Sa tangkad niya ay halos mangapa ng sasampahang hagdan ang mga paa ni Rembrandt.

"Maxwell Laurent!" nagbabanta ang tinig ni Tita Maze.

Akmang lalapit sina Tito More at Mokz upang umawat nang pigilan at ilingan sila ni Maxpein, sinasabing hayaan lamang si Maxwell.

"This is physical assault, Maxwell!" banta ni Rembrandt. "Let go of me or I'll take you to court!"

"Magkita muna tayo sa ospital kung gano'n,"banta rin ni Maxwell saka umamba ng sapak. Ngunit umangat ang gilid ng labi niya nang makita ang pag-ilag ni Rembrandt. "You're nothing but a fucking coward."

Basta na lang niya binitiwan si Rembrandt dahilan para mawalan ito ng balanse at tumimbawang sa lupa. Akma siyang susugod nang muling matigilan sa isang lingon ni Maxwell.

Nang sandaling iyon ay humakbang papalapit sa likuran ni Maxwell sina Mokz at Maxpein, kasunod sina Tito More at Tita Maze. Sa ganoong paraan sinasabi ng mga itong hindi lang si Maxwell ang makakaharap ni Rembrandt, kundi maging sila.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon