CHAPTER 17

47.5K 1.8K 975
                                    


"N-Nagmamaka-awa ako s-sa inyo i-urong niyo na po ang kaso." Napatingin ako sa matandang babaeng nagmamaka-awa kay Gale.

Matibay yung ebidensyang pinakita ni Gale dahil may record din pala siya ng pag-uusap ng magkakabarkada.

Legal age na sila kaya maari na silang makulong at pinapanuod namin sila ngayong posasan ng mga Pulis.

"G-Gale." Santi said while looking at Gale with his teary eyes. "I-I'm sorry."

"Sorry ampota kung may death penalty lang para sa mga rapist yun ang nababagay sa inyo." I said and I looked at Gale's parents na iyak ng iyak at katabi nila sila Mama at Dad.

"Eloisa." I hugged Gale and iyak siya ng iyak sa balikat ko at parang gusto niyang puntahan si Santi dahil inamin niya sa aking mahal niya 'to.

Lumabas kami ng trial court at niyakap ako ng mga magulang ni Gale at nagpa-salamat.

"A-Anak, tara na." She said to Gale and naglakad na silang tatlo paalis habang ako ay nakatulala lang at katabi sila Mama.

"Magiging okay kaya si Gale?" I asked them habang hinahangin ang aking buhok dala ng malakas na hangin.

"Sana." Dad said and I can now see Parker walking towards us.

"Good afternoon po." Nagmano si Parker kala Dad at Mama habang ako ay nakatingin lamang sa kawalan.

"Iwanan na muna namin kayo." Mama said and they walked out.

"Hey." Parker said and put his arms at my back and made me lean at his shoulder. "Gale will be okay she's a strong woman."

"I hope so, Parker." I smiled and we started walking. Malas naman malapit na birthday ko tapos nagka-ganito pa.

Dumating ang Linggo at nagdagsaan sa mga social media accounts ko ang mga bumabati sa akin at nang bumaba ako papunta sa kusina ay niyakap agad ako ni Mama.

"Happy Birthday, anak." I smiled.

"Thank you, Ma."

Tinulungan ko sila Mama sa paghain ng pagkain at nang matapos ay bumaba naman na si Dad at niyakap ako tsaka ako binati.

Nagbeep ang phone ko at napansin ko ang long message ni Gale na binabati ako at napangiti na lamang ako sa pangako niyang magiging okay din siya. Sinimulan na namin kumain at ang mga ibang katulong ay binabati din ako.

Lumipas ang maghapon at pumunta kami sa restaurant nila Dad at doon nag celebrate ng birthday ko may binigay na bag sa akin si Mom tapos si Dad naman ay binigyan ako ng pearl necklace at ang ganda.

Buong maghapon walang paramdam si Parker hangang sa maggabi na at pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Nasa labas na hinihintay mo-"

Hindi na nakatapos si Mama dahil nilagpasan ko na siya ngunit hinawakan niya ang aking kamay at pinabalik sa kwarto.

"Magbihis ka kaya." Napairap ako at natawa si Mama.

Nagbihis lamang ako ng isang pastel pink na dress at nag-ayos ng konti tsaka lumabas at naabutan ko si Parker na nakasandal na naman sa kanyang kotse habang hinihintay ako.

"Hey." He came close to me and gave me a kiss. "Happy birthday, angel."

I smiled and hugged him. "Akala ko hindi ka magpapakita."

"Nah may hinanda lang, let's go?"

Sumakay kami sa kanyang kotse at kanya na itong pinaandar ang haba ng byahe kaya nakatulog na ako hangang sa ihinto niya ang kotse at magising ako.

Sailing Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon