CHAPTER 18

49K 1.9K 1.1K
                                    


Putanginanag mga kagroup, putanginang research, at putanginang ibang subjects na walang pakikisamang sinabayan pa ang research. Gawa naman ako ng gawa ng projects pero bakit parang hindi naman nababawasan?

Buti na lamang natakot ko ang mga kagroup ko at ginagawa namin ngayon ang Chapter 3 dahil nakapag interview naman na kami pahirapan pa 'tong qualitative na 'to eh mas nadadalian pa ako sa quantitative.

"Hey." I looked at Parker na pumunta dito sa library at tinabihan niya ako. "Nahihirapan ka ba?"

Bahagya akong tumango at natawa siya.

"Madali lang naman Chapter 3 ah? Transcribed na ba Chapter 4 niyo?" Tumango ako dahil tinapos ko na itong itranscribe. "Good then finish your chapter 3 gagawin ko chapter 4 niyo."

"Yes!" Natutuwang sambit ng mga kagroup ko.

"Ayoko nga!" Sabi ko at kinuha sa kanya ang laptop ko. "Prooject mo? Project mo ha?"

"Tss dali na para madalian ka." He took my laptop and started typing habang ako ay tinutulungan ang mga kagroup ko sa chapter 3.

May mga tinatanong si Parker tungkol sa thesis namin at nasasagot ko naman. "Madali lang ba defense?"

"Depende kasi kung wala kang naitulong mahihirapan ka talaga." He said while still typing. "I'll brief you all about the chapter 4 madali lang naman 'to."

"Sana all may jowang gumagawa ng thesis." My eyes widened nang makita si Gale at napayakap agad ako sa kanya.

"Ganda ng hair ah." I said dahil nagpagupit siya ng maiksing buhok at pinakulayan iyon ng ash gray.

"Thanks pero wala sa buhok yon nadadala lang talaga ng ganda ko." She laughed and I rolled my eyes. "Dito daw ako sa group niyo?"

"Oo punyeta ka hindi ka na dumbbell, barbell ka na." I said and pinitik ako sa noo ni Parker.

"Language, Angel." I rolled my eyes at him at tumabi sa akin si Gale napagitnaan nila ako ni Parker.

"GL card ambag ko." She said and took a paper.

"Anong GL card?" I asked.

"Ganda Lang." I rolled my eyes at her at nagtanong-tanong na siya about sa thesis namin at tumulong na din siya.

"Buti hinayaan ka ng school sa ganyang buhok?" I said.

"Sa ginawa sa akin ng mga studyante nila sa tingin mo hindi nila ako pagbibigyan sa ganito?" She laughed and my brows furrowed.

"Never mention it again, Gale. Kalimutan na." She nod and smiled at me.

Natapos namin ang chapter 3 ngunit hindi pa tapos ni Parker ang chapter 4.

"Parker ipagpatuloy kaya natin sa bahay?" I asked him and he nod.

"Sa sala lang tayo."

"Oo! Ano bang akala mo?"

"Tss Eloisa Andrada kilala kita." He laughed a bit habang naglalakad kami pauwi sa bahay namin.

"Parker kamusta na sila Wendy?"

"Hmm fine, I guess?" I nod and binuksan ko ang gate namin at pumasok na kaming dalawa sa bahay.

"Mama! Dad! Kasama ko si Parker!"

"Nako ma'am wala po sila kasi po may party po sa Tagaytay ng isa sa mga Konsehal baka bukas pa po uwi nila."

I nod and looked at Parker na naupo na sa sala at nilabas ang laptop sinisiguradong dito kami talaga gagawa ng thesis.

Sailing Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon