Kabanata 45

1.3M 36K 28.8K
                                    

Kabanata 45

Papaiyakin

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ako makakuha ng tamang salita. Nakaawang lang ang bibig ko habang naririnig kong sumarado ang pintuan ng elevator. Hinawi ni Ysmael ang kamay kong nakahawak sa kanyang coat. Inayos niya ang kanyang suot tsaka ako tinalikuran dahil sa pagwawalang kibo ko.

Nang nakita ko siyang nakalayo ng ilang metro sa akin ay tsaka pa lang ako nagising sa aking pagkakagulat.

"Ysmael, wait!" Tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon.

Dire diretso ang labas niya sa building. Naisip ko ang naiwang trabaho ko ngunit saglit lang iyon. Mas inisip ko ang pagiging galit ni Ysmael sa akin.

"Ysmael!" Tawag ko bago siya pumasok ng kanyang sasakyan. Nilingon niya ako sa isang malamig na ekspresyon.

"What is it, Meg?" Tanong niya.

"I-I'm sorry." Hindi makatingin ng diretso ang mga mata ko sa kanya. Para bang napapaso ako sa kanyang titig. "I'm really, really sorry. I mean it."

Tinitigan niya lang ako. Bumagsak ang tingin ko sa mga daliri kong naglalaro sa isa't-isa, nililibang ang mga mata kong walang mapuntahan.

"Let's have dinner." Aniya pagkatapos ng ilang sandaling tinitigan ako.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Binuksan niya ang kanyang pinto para sa akin. Tinuro ko ang daan pabalik sa building.

"Hindi pa ako tapos sa mga ginagawa ko. Tsaka 'yong gamit ko." Sabi ko.

"I don't care." Nag iwas siya ng tingin.

Tinikom ko ang bibig ko at tumango. Sumalampak ako sa loob ng kanyang sasakyan at nag angat ng tingin bago niya iyon sinarado. Umikot siya at pumasok sa driver's seat. Pinagmasdan ko ang pagtagilid ng kanyang ulo para paandarin ang sasakyan. Kahit na may ginagawa ay batid kong malalim ang kanyang iniisip.

Nanahimik ako sa buong byahe. Iniisip ko kung paano siya kakausapin mamaya pag nasa restaurant na kami. Hindi ko makuha kung bakit niya ako gustong maging girlfriend. Hindi naman ako nagbubulag bulagan. Noong una pa lang ay alam ko nang may malisya itong paglabas namin. I opened my doors for another man because I think I won't forget Noah if I don't. Pero hindi niyon ibig sabihin na kaya ko ring samantalahin ang kagustuhan ni Ysmael na maging kami para lamang kalimutan si Noah. Who am I kidding? Kung gagawin ko iyon ay mas lalo lang kukumplikado ang sitwasyon.

Nakaupo na kami pareho sa restaurant at kakasabi ko lang ng order ko. Hindi ako kakain ng buong meal. I ordered mango shake. Hindi rin naman kasi siguro ako makakakain ngayon dahil sa iniisip kong pag uusapan namin ni Ysmael.

"Ysmael, tungkol don sa-"

"Did you receive the invitation? 'Yong sa training, Meg?" Hindi niya ako pinatapos at nilihis niya pa ang usapan. Siguro ay hindi siya kumportableng pag usapan namin iyon.

"Oo. Uh, binigay ni Fiona sa akin kanina." Sabi ko.

"It's in two weeks." Nakapag desisyon ka na ba? You'll be alone." Aniya at ngayon ay nakatingin na sa akin.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon