Season 2: Episode 6

6.5K 555 201
                                    

My ears are crowded by combined haunting yell and growl from the zombies. Rinig na rinig ko kung papaano sila magsitakbuhan sa mismong gilid namin. At natatakot ako na baka isang sanggi lang nila ang maging katapat ng buhay namin.

Right now, our backs are grazing the wall. Ito ang ginawa naming strategy. We made sure na through the walls, hindi kami maliligaw. Ito ang ginawa naming palatandaan para makapunta sa hagdan nang mabilis. Nang hindi nahaharang ng nagtatabukhang mga infected.

And to my surprise it was working.

Nakarating kami sa 17th floor nang maayos. Nang walang galos. Nang walang aberya. Bagay na nakapagdagdag ng lakas sa nanghihina ko nang mga tuhod dahil sa gutom.

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita noong mabilis naming natagpuan ang panibagong hagdan. Katulad kanina, walang zombies ang tumutol para masagip namin ang buhay namin.

Right now, I can clearly feel myself sweating due to the fear that's burning my system. Pero dahil sa paghigpit ng pagkakahawak ni Santhy sa kamay ko, nagawa kong palakasin ang loob ko hanggang sa makarating na kami sa 16th floor.

That moment, we only have fifteen more floors to conquer.

That moment, I was sure that we are going to be safe up until we went outside of this damn building.

Or so I thought?

The moment I stepped in to the first step of the stairs, napahinto si Ate Janelle na siyang nasa kabilang side ko. Then, narinig ko na lang ang sunod-sunod na yabag mula sa 16th floor.

At noong sinundan iyon ng familiar na malalakas na pagsigaw ng mga zombies, I heard Kuya Brylle. "Sa gilid! Fuck! Gumilid kayo!"

Noong una ay hindi ako nagalaw. Pero mabuti na lang at agad akong isinalya ni Santhy sa pader. Napalakas man ang paghampas ng likod ko dito ay hindi ko na iyon ininda. Dahil ngayon, halos mawalan talaga ako ng hininga nang maramdaman ang sunod-sunod na pagtakbo ng mga zombies sa mismong harap namin.

Ramdam kong ngayon ay para bang may stampede.

Iyong sa kaluskos pa lang ng mga paa nila, naiimagine ko agad na ngayon ay para silang mga gutom na hayop na nag-uunahan para sa kanilang pagkain. Iyong kahit na makatapak sila ng kakampi nila ay hindi na nila iyon ininda dahil mas lamang ang gutom sa utak nila ngayon.

Naramdaman ko ang paghigpit pa lalo ng pagkakahawak sa akin ni Santhy. "Relax, Venice. This is going to end soon--" then he halted his mouth.

Napakurap ako nang marinig ang malalakas na hiyawan galing sa itaas ng hagdan na ito. It was coming from the 17th floor. Halo-halo ang hiyaw na iyon. May babae at may lalaki. Para silang nasasaktan.

"What was that?" I asked, freaking out.

"Maybe iyong mga survivor. Baka natagpuan sila ng mga zombies." Ate Janelle said. She is explaining as if death by those screaming people is just a normal thing to experience today. 

Then she tried to move my body closer to the wall so that no zombies can ever nudge me. "Well, that's life. Your survival won't be guaranteed by a mere sense of a comfortable safe haven. Lahat tayo, walang ideya kung kailan at paano tayo mamamatay. And that's just a real shit." 

"Luv, you cursing is my favorite." Kuya Brylle suddenly mumbled. Because of that, my jaw almost hit the floor.

Seriously? At this point of our life, nakukuha niya pang makipaglandian? What the hell?

Ate Janelle was about to let go of my hand, maybe to hug Kuya Brylle, when I didn't gave her a chance. Instead of making my grasp to losen, I never let go of her hand. The last thing that I want to see is our death because of their damn PDA!

Nang para bang nawala na ang mga zombies ay doon na kami nagpasyang magpatuloy. Noong una, dahan-dahan ang ginawa naming pag-alagwa sa hadgan. Pero noong nasiguro na naming ligtas na kami ay doon namin maingat na binilisan ang pag-galaw.

We were practically running for our lives with the silence as our medium to survive.

"Nasaang floor na tayo?" Kuya Brylle asked.

"Nasa 13th floor na po yata, Kuya." Santhy responded on my side. Ramdam ko ang pagpapawis ng palad niya. Well, sino bang hindi pagpapawisan sa ganitong nakakakilabot na sitwasyon namin?

"Alright," I heard Kuya Brylle heaved a sigh of relief, "nasa 12th floor ang cafeteria. We should head there for now. Kailangan nating kumain para makaipon ng lakas."

Sa narinig ay para akong batang natuwa. Iyong para bang bigla akong nabuhayan dahil sa wakas, makakain uli ako! Ito na yata ang kauna-unahang pagkakataon na masaya akong kakain.

It's for the reason I actually have an emotional disorder called anorexia. I have an obsessive desire to lose wait by refusing to eat. It was actually because of my boyfriend . . . uhm, ex-boyfriend. Lagi niyang pinupuna ang timbang ko. That day was the beginning of me starving myself just to lose wait.

At ang sakit lang.

Ginawa ko 'yon para sa kanya.

Pero ano ang isinukli niya?

Ang iwanan ako?

Ang gago lang. Ang gago lang talaga niya.

"Okay, be ready for the stairs. Dito na ako nakaapak." Kuya Brylle warned us. Doon ay pinilit kong burahin sa utak ko ang mukha ng ex ko. Nakakainis na kasi.

For a few minutes, walang aberya kaming nakababa nang diretso sa hagdan. Before we knew it, silence are still evident on the whole place when Kuya Brylle lead us towards the cafeteria.

"Heto na, nakapa ko na iyong pinto. Stay quiet . . ." Kuya Brylle said and it was followed by a familiar sound of an opening slide door. Katahimikan pa rin ang sumalubong sa amin noong makapasok na kami dito sa loob. Santhy, being the last person on the line, was the one who slide the door close.

"We are safe now. Pwede niyo nang tanggalin ang mga harang sa mukha niyo."

When I removed the white clothes that are barricading my view, nasilaw ako sa liwanag. Papikit-pikit ako noong idako ang mga mata sa paligid. And swear, I never knew that I'd be this happy when I saw a lot of snacks sitting on the large cabinet infront of us.

Para akong batang naglalaway.

Pero . . .

Shit.

Pero agad na napalitan ang ngiti ko nang pagkabahala noong unti-unti akong nakarinig ng paghagok mula sa kusina.

Nanigas ang mga paa ko sa sahig.

Kasabay iyon ng panginginig ko noong magmula sa nakabukas na pinto ng kusina, nakita ko ang matabang zombie na nakasuot ng apron. Tapyas tapyas ang matataba niyang braso na para bang kinagat-kagat ng mabangis na hayop. Naaagnas na rin iyong nakabukas niyang tiyan na nakapagpalabas ng nabubulok na niyang laman loob.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon