Kabanata 17

27.1K 998 53
                                    

Isang linggo na nung nangyari yung biglang pagkalamig ni Keiranz sa dining room at simula noon, hindi ko na siya kinakausap.

Dahil maid lang naman ako, iniiwasan kong makipaginteract sa kanya.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ganon siya. Hindi ko nalang masyadong iniisip at nagt-trabaho nalang. Iyon naman yung pinunta ko dito diba?

Nasa coma parin si manang, nabibisita ko siya every week pero hindi sina Nathan.

Dahil sa nasa headquarters yung infirmary hindi pwedeng pumunta doon yung mga kasamahan ko. Ayaw nilang ipaalam sa kanila yung tungkok sa mafia nila.

Pero so far, hindi na sila ganoong kalungkot. Nagaalala sila kay manang pero pinagpapatuloy pa din ang trabaho. Nakapagtataka nga na hindi man lang nila tinatanong kung nasaan si manang.

Nasa study ako ngayon at nakaupo lang nang diretso sa couch kahit na bored na bored na ako. Bakit ba kasi lagi niya akong pinagiistay dito? Hindi naman ako tatakas at magsusumbong ah!

" Nassandra" sa tuwing nakikipagusap siya sa akin, hindi ko alam pero naiinis ako.

Tumingin ako sa kanya na as usual ay nakaupo sa likod nung desk niya.

" Yes maître?" Napatitig siya sa akin dahil na rin siguro sa flat na tono ng boses ko. Hindi ko siya tinignan sa mata.

Napabuntong hininga siya at hinawi ang buhok.

" Just go out" malamig nitong sabi. Hindi ako nagpaapekto sa sinabi niya at lumabas na nung study.

Pumunta ako sa kusina at naabutang kumakain sina Nathan, Ema at Jane.

" Nassandra! Sali ka sa kwentuhan namin!" Masiglang sabi ni Jane. Ngumiti ako dito.

" Kayo nalang magtsismisan dyan, may gagawin pa ako" nagkibit balikat sila at bumalik sa paguusap. Pumunta ako sa maid's quarters at naupo sa higaan ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang sinabi ni Tiya na nagbabantay kay Brylle.

" Hello po, Aling Ruby?" Nakarinig ako nang pagiyak.

" Nako Nassandra, buti napatawag ka. Si Brylle" bigla naman akong nagalala.

" Ano pong nangyari?" Tanong ko.

" Nasugatan kasi si Brylle eh. Hinahanap ka, ayaw tumigil sa pagiyak" napasinghap ako.

" Paano pong sugat?"

" Nakahawak siya ng bubog, may nahulog kasi siyang baso, sinubukan niyang pulutin. Tinakpan ko na siya ng tela. Kailangan ko ba siyang dalhin sa ospital?" Huminga ako nang malalim.

" Hindi na po, pupunta nalang po ako diyan" nakarinig ang na mas lumakas ang pagiyak at naputol ang linya.

Mahigpit ang hawak ko sa telepono at hinanap ang contact ni Zeke.

" Nassandra? Why?" Pinigilan kong hindi mapaiyak, sana ayos lang si Brylle.

" Pwede bang sunduin mo ako dito sa mansyon? May nangyari kasi kay Brylle eh" nagpapanic kong sabi.

" Okay, I'll be there" inend ko ang tawag at nagayos ako ng gamit para ilagay sa isang maliit na bag.

Maya maya ay may kumatok sa pinto nung kwarto.

" Nassandra, hinahanap ka ni maître Zeke" sabi ni Nathan. Napatayo ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko na nasa sala sa front door si Zeke.

Nakatingin siya sa sahig pero nang marinig ako ay tumaas ang tingin.

" Anong nangyari?" Lumapit ito sa akin.

" Nabubog daw si Brylle. Ayaw tumigil sa pag-iyak" tumango ito. Sabay kaming naglakad palabas ng bahay pero napatigil siya.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon