Chapter 13

21.6K 1K 356
                                    

Terry

"Hindi ba si Samantha Callaghan yan?"

"Grabe, ang ganda nya pala talaga no? Para syang naglalakad na barbie. Ang bait nya pa sa katulong nya. Hindi nya pinagbubuhat."

"Swerte naman ng alalay nya."

Lihim na lang akong napapamura. Kanina pa ako nalalait sa totoo lang. Samantalang itong katabi ko ay busy pa din sa paglalakad habang sumisilip silip sa mga damit na nakadisplay sa mga boutique shops na itsura pa lang ng labas ay siguradong hindi namin papasukan ni Ate Corinne.

But since she's the famous Samantha Callaghan na mapera, edi sya na. Afford nya e.

"Terry, San ka pupunta?"

Bigla kasi syang huminto sa harap ng isang store samantalang ako sige pa din sa paglakad. Napatigil lang ako ng tinawag nya ako.

Bwisit kasi yung mga nakakasalubong namin. Kanina pa ako nilalait. Sana man lang hinihinaan nila yung boses nila di ba?

"Let's go. Ichecheck ko yung clothing line ni Kayleigh. I'll buy a set."

Kayleigh Montello?

Sumunod ako sa kanya nung pumasok sya doon. Halatang halata na regular customer sya dahil tatlo agad ang nag unahan na mag assist sa kanya kahit wala pa syang sinasabi.

Ako naman mukhang tangang naglalakad ng mag isa at wala man lang lumapit. Tsk. Poor service 'to.

Lalabas na lang sana ako ng hagipin ni Sam yung kamay ko.

"Ang bagal mo maglakad, ano ka ba?" Pasimpleng sabi nya matapos pagsalikupin yung mga palad namin. It intertwined perfectly na para bang yung space sa pagitan ng mga daliri ko ay inilaan talaga para sa mga daliri nya.

Yucks ka, Terry. Sobrang korni.

Kitang kita ko yung mga nagtatakang mukha ng tatlong sales attendant na kapapangit naman. Kakapal pa ng make-up. Tse! Edi nganga sila ngayon? Feeling magaganda wala namang dyowang kagaya nitong kasama ko.

Ako pa ang dineadma nyo ha. Manigas kayo ngayon sa inggit.

Seryoso lang ang mukha ni Sam na tinitingnan yung display ng mga clothing collections ng sinasabi nitong Kayleigh.

"Plunging neckline kung plunging neckline no?" Komento ko dun sa dress na talagang kitang kita na yung hati sa dibdib pag sinuot mo iyon. Sobrang baba kasi pero sexy yung tabas. Saka halatang pang matangkad.

Narinig ko yung bahagyang pagtawa ni Sam bago tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Leigh looks perfect in that dress." sabi nito bago binitawan yung kamay ko at tiningnan yung mga iba pang damit na nandoon.

"That's Ms. Kayleigh's new collection for this month. Would you like to try it on, Ma'am?" Tanong nung isang sales attendant kay Samantha.

"Uh,no. I'll take it."

"Which one, Ma'am?"

"All of it." Sabi ni Samantha. "I mean, all of her set. Thank you."

Nataranta naman yung sales attendant na tinawag yung kasamahan nito para magpacheck ng new stocks.

"What size, Ma'am?"

Narinig ko yung mahinang pagbulong ni Samantha na that's what the problem with RTW's.

Bakit? Makareklamo 'to akala mo may sariling clothing line at puro patahi lahat ng damit e.

"I'll take the same size as Leigh's."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon