Kabanata 19

28.5K 1K 298
                                    

Lalayo na sana ako sa kanya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako paupo sa lap niya.

Napahawak ako sa dibdib niya sa gulat at napatingin sa maganda niyang mata.

Matagal kaming nagkatitigan habang hawak niya padin ang kamay ko. Magaspang ang kamay niya na dulot na din siguro ng pagt-training niya as Mafia Boss.

Tinaas niya ang kamay ko at nilapit sa labi niya nang nakatingin lang sa mata ko. Tinignan ko yung labi niya na malapit na sa kamay ko. Yung mapupula niyang labi...

Tinignan ko ulit yung mata niya. Ang haba nung pilik mata...

Parang hindi ako humihinga lalo na't ang lapit nung katawan namin sa isat isa.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang labi niya sa kamay ko. Hinalikan niya ito habang nakatingin padin sa akin.

" Thank you" seryosong sabi nito. Natauhan ako at lumayo sa kanya.

" U-uhhm. Welcome" nauutal kong sabi. Pumunta ako sa kabilang side nung bed at nahiga. Alas tres palang at inaantok pa ako.

Nakaharap ang likod ko kay Kei at hanggang sa makatulog ako ay ang tanging iniisip ko lang ay yung ginawa ni Kei sa kamay ko.

-------------------

Niyakap ko ng mahigpit si Brylle at ganon din ang ginawa niya.

Ramdam ko ang init ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana kaya ibinaon ko yung ulo ko malapit kay Brylle na katabi ko.

Wait... si Brylle katabi ko?!

Napadilat ako at bumungad sa akin ang matipunong leeg na napakamanly ng amoy. Napatingin ako sa kabuuang itsura nung yakap yakap ko ngayon. Mas matangkad sa akin at gwapo ang itsura. Ang init ng katawan niya.

Nanlaki ang mata ko at biglang napalayo sa kanya. Hindi ko napansin na nasa dulo na ako ng bed kaya tumama yung pwet ko sa sahig.

" Ow!" Daing ko. Nagising naman si Kei at napatingin sa paligid.

" Nassandra!" Naalarmang sabi nito, nakita niya akong nasa sahig kaya tumayo siya at binuhat ako ng bridal style. Inilapag niya ako sa kama.

" Are you okay?" Pagaalala niya. Pinanlisikan ko siya ng mata at nagulat naman siya doon.

" Bakit tayo magkayakap?" Naiinis na tanong ko. Hindi ko namang sinasabi na siya lang yumakap, ako din naman. Akala ko si Brylle... madalas kasi kaming magyakap ni Brylle.

" I don't know" dahilan niya. Bumuntong hininga nalang ako at humawak sa sentido ko. Napatingin ako sa orasan. Alas otso.

Masakit siguro ang ulo ko dahil nagising ako nang alas tres kaninang umaga.

Tinignan ko lang si Kei na nakatitig lang sa akin.

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto.

" Kailangan ko nang magtrabaho. Papasok ulit ako dito mamaya para linisin yung C.R." paniguradong nandun pa yung mga basag na salamin. Tahimik lang siya nang umalis ako sa kwarto niya.

Inaantok akong pumasok sa maid''s quarters.

Bumungad sa akin ang nakahubad na katawan ni Nathan. Napaharap naman siya sa akin at napansin ko ang may gaza niyang tiyan. Agad siyang nagsuot ng damit.

" Nassandra, sorry. Dito pa ako nagbihis" nagtaka man ay hindi ko na iyon pinansin.

" Sorry din, hindi ako kumatok" ngumiti siya at lumabas na sa kwarto. Napatingin naman ako sa papalayo niyang pigura.

Nagpalit ako ng damit at sinuot ang uniporme ko na pang maid.

Bumalik ako sa kwarto ni Kei. Napansin kong nakahiga pa siya sa kama at mukhang natulog ulit.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon