Chapter 15

22.3K 1K 292
                                    

Terry

"Anong gusto mong food?"

Nandito kami sa hilera ng mga kainan. Yung area ay para bang may dollar sign na nakalagay sa labas dahil puro fine dining. Wala bang kahit anong fastfood dito?

I think I've had enough with Samantha's universe. Ang layo kasi ng kinalakhan namin. Ito yung sanay sa lahat ng luxury na kayang ioffer ng pera at pangalan ng pamilya nito. Samantalang kami ni Mama bihirang makapagmall. Yung mga damit pa namin yung nabibili lang sa divisoria o di kaya yung mga nakasale sa direct selling na kinsenas at katapusan ang bayaran.

Itong casual white shoes na suot ni Samantha na binili niya para maging kasingnormal ng suot ko, it costs her thirty two thousand. Samantalang itong old white sneakers ko nabili ko lang ng four hundred fifty. Money spells everything that I am not. Pati tuloy sya napapaaway pa dahil sa akin.

Ganito din ba yung nararamdaman ni Ate Corinne kapag kasama nya si Aria? Because right now, I can clearly see the difference of our universe. Hers is something I can't grasp kahit takbuhin ko pa.

"Hey, wala kang gusto sa kahit saan dito?" Inakbayan ako ni Samantha.

As usual. Dama ko yung tingin ng mga tao sa paligid sa aming dalawa. Hinahabol kasi ng tingin ng mga ito si Sam. Maganda naman itong si Sam. To be honest, sobrang ganda. Pag tiningnan kasi yung ekspresyon ng mukha nito ay sobrang bait at sobrang sweet. A typical angel-type. Yung tipo ni Sam yung hindi ko kailanman gugustuhin. Kasi alam ko na hindi ko kailanman maaabot. And people surrounding us will always have the harsh slap of sanity for me. A forceful blow of reality.

This is not a fairy-tale story, Terry. Wake up.

"Hmm. May nakita akong fastfood doon sa may malapit dito. Kaya lang hindi na sya dito sa loob ng Mall. Parang masarap itry yun, tingin mo Terry?"

"Ha?"

Bakit ang perpekto kasi ni Samantha?

"Gusto ko itry yung fastfood. Tara?"

Inilahad nito yung kamay nito. Have I told you that her hand is so soft na parang bulak at kasing warm ng kapeng unti-unting lumalamig habang tumatagal? Bahagya kasing nagpapawis yung kamay nito pag matagal kong hawak.

Dahil hindi ko kinuha yung kamay niya ay ito na din ang kumuha ng kamay ko para makapagholding hands kami.

"This really feels weird. But in a good way." Napasunod ako kay Sam habang naglalakad ito palabas ng Mall.

"Alin yung weird?"

Inangat nito yung kamay naming magkahawak.

"Haven't you felt it? Parang laging may current ng kuryente. But our fingers intertwined perfectly like they longed to be together."

Inis na hinampas ko sya sa balikat. Bakit ba kasi ganyan sya magsalita? Bakit ganyan sya umarte? Minsan nakakadala na yung pag rorole play nya. Kasi parang totoong too.

" Ouch, what that called for? "

" Tabasin ko kaya yung dila mo? Masyadong madulas e. May factory ba ng sweets sa loob nyan?"

Ngumiti ito. Yung normal na ngiti nito pag naaaliw.

"Wanna taste it? C'mon. Para malaman natin kung meron ba o wala." Pabirong inilalapit pa nito yung labi nito sa akin. Ako naman ay nahihiyang tinulak sya palayo.

How dare her! Hindi ba sya aware na nagPPDA na sya? Jusko!

"Puputulin ko talaga yung dila mo pag natutulog ka na."

Kumunot ang noo nito. "Don't. Grant says tongue is a vital part of love."

Ano daw? Bakit parang namumula si Samantha?

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon