Chapter 16

20.5K 1K 271
                                    

Terry

Pagkapasok pa lang namin sa unit ni Railey ay agad nang sinalubong nung isang babae si Samantha. Gosh! Ang tangkad din nito. Halos magkasingtangkad ito at si Sam.

"Sammie!" Tapos sabay iyak ulit. Hindi ko malaman kung peke o totoo yung iyak nya kasi parang pareho lang ng ekspresyon yung mukha nya. May luha lang.

"Hey, it's okay. It's not even worth your tears."

"You'll never know how I feel. You have never been in love. You never know how it feels to be hurt this way!" Sabi ni Van na sobrang higpit na ng yakap kay Sam na para bang gusto na nitong durugin yung buto nung isa.

Kahit bahagyang napapa wince na sa sakit si Sam ay hindi nito inaawat si Van. Masuyo pa nitong hinahaplos yung buhok nung kaibigan nito.

I looked away. Damn! Bakit ganoon? Bakit parang natural kay Sam yung pagiging sweet niya? Shemay! Ako lang ba naglalagay ng kulay sa kabutihan at kasweet-an na pinapakita nya? Kasi fudge! Iba yung dating e. Akala mo may meaning. Pero natural nya lang yata talaga iyon.

"Gosh! I'm almost falling for him."

"You mean her?"

Hinampas pa nung babaeng nakapulupot kay Sam yung balikat nito. Tumawa lang si Sam.

"Hey, Terry right?" Bati sakin nung babaeng nasa poster kanina nung binilhan namin ng mga damit kanina. Yung modelo.

"Oo."

"Do you want to have a drink. Halika dun sa bar." Itinuro nito yung minibar  na may mga stool pa na nakaharap sa counter. Tapos may cabinet na punong puno ng display ng iba't ibang klase at brand ng alak.

Sinulyapan ko naman si Samantha. Nandun pa din sya at yakap nung kaibigan nito na panay ang iyak. Habang si Sam ay kung ano ano ang sinasabi para pagaanin ang loob nito.

"Pahiram mo muna sandali si Sam kay Van. Si Sam na lang ang makakapagpatahan sa babaeng yan e." Nakangiting sambot sakin ni Leigh na napatingin din doon sa dalawa.

"Are they always like that?"

Tumango ito saka nagsimulang maglakad sa mini bar. Walang nagawang napasunod na lang ako. Alangan naman na tumambay lang ako sa pinto di ba?

"Sammie is like a sister to us. Lalo na dyan kay Van. Pag napapaaway yang babaeng yan laging si Sam yung sumasalo dati nung highschool kami. Sammie is everyone's favorite. Kaya naman walang nakakahindi sa kanya. When we always thought it's impossible, Sammie will find a way to make it possible."

Just like I thought. She's perfection.

"It's so lucky to be her friend." Hindi ko mapigilan na mapakomento kasabay nang pag upo ko sa stool.

"Yeah. She's too good to be true. I remember when we were kids, para yang dead kid that no one wants to talk to. She's too smart. Sa sobrang talino nya, si Grant lang ang nagtatyaga makipag usap sa kanya because we can't even catch up. You know when smart kid requires intelligent conversation. That's why nagclick sila ni Grant e. Parehong matalino. "

Naalala ko yung gabing umiiyak si Sam na umuwi ng bahay. Sobrang lungkot nya na hindi nya kayang tulungan si Grant. Kaya ba ganoon sya? Kasi when she needed someone, Grant pulled her up. When she's drowning with the imperfections of her cactus, Grant managed to pull her off. That's why she'll do everything for Grant too.

"Pero after the incident that binds us all, we've became best of friends. " Patuloy ni Leigh.

"Anong incident?"

"Oh, she haven't told you yet?"

Naglabas si Leigh nang dalawang shotglass tapos inabot nito yung dalawang bote ng alak.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon