Chapter 319

487K 24.9K 53.5K
                                    

A/N: The long long long long long wait is over.

Bakit bigla ko narinig boses ni Jin na gumagawa ng hoarse sound? Weird! 😂😂


Home

Jay-jay's POV

Meron akong package. Galing ng Japan. Gusto ko sana matuwa kaso wala naman akong maalala na namili ako online at wala ring sinabi sakin si Yuri.

Siya lang ang kilala kong taga-Japan.

Natatakot tuloy akong buksan. Pero kung hindi ko naman bubuksan, mala-late ako. Magagalit si Aries at sasabihing ang bagal ko.

Akala mo naman napaka-bilis niya. Naniniwala talaga akong wisik-wisik lang ang ginagawa niya sa banyo. Tapos magpapabango lang at babasain ng kaunti ang buhok para masabing naligo siya.

Haha style mo bulok.

Kung sana sinabi na nila sakin kagabi na may package pala ako edi sana hindi ako nagagahol sa pag-iisip kung bubuksan ko ba ngayon o mamaya nalang.

Bandang huli, wala akong pagpipilian kundi ang buksan na. Kinuha ko ang cutter sa study table ko at pinasadahan ang packaging tape. Pabato ko yung binalik sa lamesa.

Kinakabahan pa ko habang dahan-dahang binubuksan ang kahon. At nang tuluyan ko ng makita ang loob.

Puro bubble wrap.

Napakamot ako sa ulo bago alisin yon at tuluyan ng makita ang tunay na laman ng kahon. May pugot na ulo. Ulo ni Snorlax! Ay hindi, ulo lang talaga. Malapad na unan na may disenyo ni Snorlax.

Kinuha ko yon at tinanggal ang balot na plastic. Ang lambot at ang sarap yakapin. Nilapitan ko ang Snorlax kong madalas kong katabi sa gabi. At hinarap sa kaniya ang unan.

"Tignan mo! May kapatid ka na!" Sabi ko at pinagtabi sila sa kama.

Kaso mabilis na natumba si Snorlax na buo palayo sa Snorlax na ulo. Inayos ko siya ng ilang ulit pero laging ganon ang nangyayari.

Mukang ayaw niya sa malaking ulo niya.

Hinayaan ko nalang binalikan ang kahon. Tinignan ko kung may laman pa pero wala na kong makita sa loob kundi bubble wrap. Tinignan ko naman ang labas ng kahon sa pagbabakasali na may pangalan ng pinang-galingan pero pangalan at address ko lang ang nakalagay.

"Bakit ganito ang pangalan?" Takang tanong ko.

My Queen Jasper Jean Mariano.

Kailan pa nagkaroon ng 'My Queen' ang pangalan ko? Hindi yata para sa akin to? Kayalang ako lang naman ang Jasper Jean dito. Baka nagkamali lang.

Titignan ko pa sana ang mga nakalagay sa sticker pero narinig ko na ang pagkatok ni Aries sa pinto ng kwarto ko.

"Bilis! Mala-late ako!" Sigaw niya.

Tapos na siyang mag-wisik-wisik.

"Oo na!" Sagot ko bago ibaba ang kahon at kuhanin ang bag ko.

Balikan ko pa si Snorlax na buo para ayusin pero natumba na naman siya. Ayaw talaga niya sa malaking ulo na kamuka niya.

Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso palabas ng bahay. Hindi ko na nabati si Tita dahil tumalikod na siya papuntang kusina. Napabuntong hininga nalang ako.

Pagsakay sa kotse ni Aries, napansin ko agad ang kakaibang expression niya.

"Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ko habang inaayos ang seatbelt ko.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon