CHAPTER 29

996K 33.7K 54K
                                    

CHAPTER WHATEVER

MAAGA PA lang ay nasa ospital na ako kinabukasan. Ilang beses akong pinigilan ni Zarnaih na pumasok pero idinahilan ko ang trabaho. Pakiramdam ko ay naghilom na nang tuluyan ang kamay ko. Kung may dapat man akong ipag-alala ay ang lagay ng puso ko. Pakiramdam ko kasi ay durog na durog na iyon sa sakit.

Kahit kulang sa tulog ay nagawa kong makapagtrabaho nang maayos. Bagaman wala ni isang segundong hindi nawala si Maxwell sa isip ko. Parati na humahanap ako ng tyansa na makasulyap sa gawi ng area nila, nagbabaka-sakaling makikita ko siya. Nang hindi ko siya makita sa cafeteria ay sinadya ko nang magpaalam kay Doc Caleb. Kung gaanong ka-busy noong umaga ay siya namang bakante namin pagdating ng hapon, at ipinagpapasalamat ko 'yon.

Pumunta ako sa floor nina Raffy, sa private ward, nagbabaka-sakaling nagra-rounds si Maxwell doon. Gaya ng inaasahan ay nasa station siya nang puntahan ko.

"Bakit nandito ka?" nanunukso ang tingin at tinig na bungad ni Raffy. "Chikahan mo naman ako, beh! Totoo ba talagang boyfriend mo si Doc Maxwell?"

Sa halip na sagutin agad siya ay panay ang lingon ko sa kaliwa't kanang wing. Hindi ako maaaring magtagal dahil baka magkaroon ng pasyenta sa area namin, walang tutulong kay Susy.

Sasagutin ko na sana ang tanong niya ngunit nalingunan ko ang dalawang babaeng nurse na abala sa endorsement. Panay ang sulyap sa 'kin ng mga ito at kahit anong tago nila ay alam kong hinihintay rin nila ang sagot ko. Wala namang problema sa 'kin 'yon kung pag-usapan nila kami ni Maxwell, totoo naman kasing kami na. O kahit siguro noong hindi pa kami at ganito ang usapan tungkol sa 'ming dalawa, baka ikatuwa ko pa.

Pero wala sa bagay na 'yon ang atensyon ko. Kailangan kong makita si Maxwell. Ngunit kung sino-sinong doktor ang nakikita kong naglalakad at naglalabasan mula sa mga kwarto.

"Hinahanap mo ba si Doc Maxwell?" muling tanong ni Raffy. "Kabababa lang, kasama si Doc Keziah."

"Saan sila pumunta?"

"Sagutin mo muna 'yong tanong ko,"nakangising tugon niya. Napabuntong-hininga ako. "Usap-usapan na sa buong ospital na boyfriend mo raw si Doc Maxwell, totoo ba? Kahit 'yong mga resident doctor ay sinasabing kayo nga"

"Yes," deretsang sagot ko.

Gano'n na lang ang gulat sa mukha ni Raffy. "At, winner!"

"Saan sila nagpunta, Raffy, please," pakisuyo ko.

"Baka sa office niya, ma'am," anang isa sa babaeng nurse, iyong pa-out na. "More than twenty-four hours na rin kasing naka-duty si Doc Maxwell. Ang daming case sa OR mula pa no'ng isang gabi."

"Thank you!" Iyon lang at iniwan ko na sila.

Paakyat na sana ako no'n sa floor ng office ni Maxwell nang maisip kong bilhan muna siya ng snacks. Madalas ay nalilipasan siya ng gutom, lalo na kapag ganoong toxic ang duty niya. Kaya naman bumaba muli ako sa cafeteria at binilhan siya ng iced coffee at sandwich. Sa isip ko ay plano ko na lang na magsabi nang totoo kay Doc Caleb kung hanapin ako.

Dahil pinainit ko pa ang sandwich ay natagalan ako. Halos takbuhin ko ang stairs dahil hindi ako makapaghintay sa elevator. Tuloy ay habol ko ang hininga nang makarating sa opisina niya.

Tama ang nurse, naroon si Maxwell kasama si Keziah. Pero hindi ko inaasahang madaratnan ko sila sa sitwasyon kung saan minamasahe ni Keziah ang mga balikat niya. Habang si Maxwell ay nakaupo, nakasandal at nakapikit sa mataas na swivel chair niya.

Umiling ako at pinigilang mag-isip ng kung ano. Ayon na nga sa nurse kanina ay ilang oras na itong naka-duty. Paniguradong ganoon na lang ang pagod niya.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon