22

19.2K 536 29
                                    

Her POV

Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. "Dito?!" agad kong sigaw ng malaman ko kung na saan kami ngayon.

"Yeah, kaya lumabas ka na diyan." at lumabas na ito ng kotse. At hindi niya man lang ako pinagbuksan ng pinto. Nagsimula na siyang maglakad at hindi man lang ako nito hinintay.

Wala talagang ka asukal asukal yun sa katawan. Mabuti pa si Lucian!

Lumabas naman ako ng kotse niya at sinundan ko na siya.

Nilingon naman ako nito. "Bilis." sigaw pa niya. Kita mo talaga ang taong 'to!

I gave him a fake smile. "Eto na po." sarkastikong saad ko.

Nandito kami ngayon sa bahay niya at hindi ko man lang alam kung bakit nandito kami ngayon.

Ano ba ang gagawin namin dito?

"Pasok." at pinagbuksan ako nito ng pintuan sa bahay nila. Kaya pumasok na kaming dalawa sa loob.

"Ano ba ang ginagawa natin dito?" tanong ko.

"Basta." at sinundan ko lang siya.

Hinawakan ko ang braso niya. "Anong basta? Anong gagawin natin dito ha?'' pagtatanong ko sa kanya ulit.

"Basta nga." sabi niya. At tinalikuran na ako nito. "Let's go to the kitchen." he said.

Wala na akong nagawa kundi ang sundan na lang ito at nang makarating kami sa kitchen ay nandoon si manang Jean at Selly. At may isang babae akong nakita na hindi pamilyar sa akin.

Sino siya? She's pretty, actually.

Kumakain na 'yong babae habang pinaghahandaan siya nina manang at Selly.

Sino kaya 'to?

"Oh, nandito na pala sina sir Jethro oh." sabi ni Selly. Kaya napatingin sina manang at 'yong babae sa amin ni Jethro lalo na sa akin.

Agad namang umaliwalas ang mukha ng babae at agad itong tumakbo papunta kay Jethro.

"Jet jet!" tili nito at bigla niya niyakap si Jethro ng mahigpit.

Girlfriend niya ba ang babaend 'to? Akala ko si Charlotte ang girlfriend nito tapos may kayakapan pa itong ibang babae ngayon.

Nako, mukhang babaero pala 'to eh.

Kumunot naman ang noo ni Jethro. "What are you doing here, Janine?" at halatang nainis si Jethro sa ginawa ng babae.

She pouts. "Why? Hindi ba pwede?"

"Tsk. Stop it, Janine and let go of me." sabi sa kanya ni Jethro. Kasi hanggang ngayon ay nakakapit pa rin ito sa kanya.

"Ang bad mo naman."

Jethro chuckled. "I know."

Napangiti na lang ang babae at napatingin naman siya akin ngayon. "Who is she, Jet." she asked Jethro.

"My classmate." sabi naman ni Jethro.

Lumapit naman ito sa akin. "Oh, hi! Nice to meet you! I'm Janine, Jethro's girlfriend. How about you?" at ngumisi naman ito sa akin. Akala ko naman mabait siya pero mukhang mataray pala 'to.

Pero magulat naman ako sa sinabi niya ngayon. Girlfriend?

So, tama nga ako! Babaero nga siya. Confirmed. Kawawa naman si Charlotte pag malaman niya ang tungkol dito.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Natutulala pa rin kasi ako hanggang ngayon. "A-ah, I'm Veranice." at iyon na lang ang tanging naisagot ko.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon