Kayleen

210K 5.5K 1.4K
                                    

Kayleen

Sunud-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko ang gumising sa akin. Narinig ko ang boses ni kuya sa labas. Naramdaman kong sumakit ang ulo ko dahil sa biglaang pag-gising sa akin.

“Kayleen may bisita ka.”

Ano bang oras na? Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa yellow na dingding ng kwarto ko. Alas-kwatro na ng hapon. Bumango na ako sa kama. Lumapit muna ako sa salamin ng closet ko para tignan ang namumugto kong mga mata. Kahapon pa ako umiiyak.

“Kayleen.”

Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang nakakalokong ngisi ni Kuya.

“Bakit?”

“May naghahanap sa’yo.”

“Sino?”

“Si Ashton.”

Lumundag ang puso ko nang marinig ko ang pangalan nya. Anong ginagawa nya rito?! Bakit sya nandito?! Alam na kaya nyang alam ko na ang pagbabasa nya ng diary ko?!

“Shiz! Sabihin mo wala, tulog, naliligo! Bumalik nalang sya next year!” sinaraduhan ko ng pinto si Kuya bago pa nya ako mahila palabas ng kwarto ko.

“Kayleen!” katok nya sa pintuan.

“Sabihin mo pumunta na akong South Korea! Nagpakasal na kami ni Kim Soo-hyun! Sorry di ko sya na-invite!”

“Kinasal ka? Bakit pati ako di ko alam?”

“Hwag kang mag-tampo kuya, hindi rin naman alam nung asawa ko na kasal na kami eh!”

“Hindi mo ba talaga kakausapin yung tao?”

“Hindi sya tao kuya, alien sya!”

“Si Ashton?”

“Ay. Sabihin mo lumipad na ako sa Moon! Nag-honeymoon kami ni Soo-hyun!”

Tatlong araw na simula nang malaman ko ang tungkol sa pagbabasa nya ng diary ko. Naiiyak parin ako kapag naiisip ko na baka pinagtatawanan pa nya ako habang binabasa yon. Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya.

Nawala na ang pagkatok ni Kuya sa pinto. Bumalik ako ng higa sa kama ko. Inabot ko ang ipod ko at pinasak ulit sa tenga ko ang earphones. Narinig ko na naman yung malungkot na boses ng babae na kumakanta ng Almost Lover.

Ganon tayo Ashton Mendrez! Almost lover tayo! Bakit mo kasi binasa yung Diary ko eh? Ipapabasa ko rin naman sa’yo yun sa right time! At yung right time na yon ay kapag naging tayo na! Kaya nga Dear Future Boyfriend nakalagay dun eh. Pero di pa naman tayo kaya di mo yon dapat na binasa.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon