Chapter 18

21.3K 1K 222
                                    

Terry

I woke up with a terrible headache. Uupo sana ako when I felt the arms wrapped around my waist. There's Samantha. She looked so at peace as she sleeps beside me.

Naramdaman siguro nito yung paggalaw ko kaya nagising na din ito. She looks so cute. First time ko yata sya makuha na bagong gising. Lagi kasing sya yung nauunang bumangon sa aming dalawa.

Babangon na sana ako nang hatakin ako ulit nito pahiga. She put her head on my left shoulder as she move closer to me. Is this what cuddling feels?

"Can we sleep for five minutes more?"

Bago pa ako makasagot ay nakapikit na ulit itong babaeng ito. Sa sobrang lapit namin amoy na amoy ko yung scent nya na marshmallows. Seriously, body scent nya yata talaga iyon at hindi perfume.

Collect yourself, Terry. You've seen it yourself. Don't get yourself be fooled by her actions. It's her normal.

"Giraffe, bangon na tayo. Nagugutom na ako e." labag man sa loob ko ay pilit kong binabaklas yung kamay nya. Mahirap na. Baka madala pa ako.

"Few more minutes. This position is too comfty. This feels good."

Yeah! Almost if it's real.

"Ginagawa mo lang akong unan e." Inis na sabi ko saka marahang tinapik yung pisngi nya. "Bangon na. Gusto mong hatakin pa kita sa banyo at buhusan ng tubig?"

Hindi natitinag na nakapikit pa din si Samantha.

"Were you just suggesting that we take baths together?"

"Kapal ng mukha mo talaga minsan, Samantha."

Tumawa naman ito ng mahina. Bago nagmulat ng mata. Her eyes are too warm. Like a chocolate melting under the warmth of the sun. Why is she pretty? Kelan kaya sya papangit? Nakakainis na.

"You're becoming appealing in my eyes. That's weird." Komento pa nito habang nakatitig sa mukha ko.

Medyo naconcious naman ako ng bahagya. Mamaya may panis na laway pa ako o di kaya sobrang gulo ng buhok ko. Tapos bigla na lang akong lalaitin nito. Madalas twisted pa naman yung utak nitong si Samantha.

"Bumangon ka na nga, para kang tanga dyan." Itinulak ko sya palayo. Pero masyado syang mabigat dahil halos nakadagan na sakin yung kalahati ng katawan nya dahil nakayakap nga sya sa akin.

"Should we get married for real so I'll be able to have good night sleep every time? What do you think?"

Natigilan naman ako. Is it her another way of playing this role perfectly? Yung magpapa fall para pag nameet ako ng friends at family nya mukha talaga kaming in love na in love sa isa't isa?

O baka naman pinagtritripan nya na naman ako tapos pag bigla akong sumagot ng Oo, tatawa sya ng malakas. Tapos sasabihin, Got yah. You're so gullible, Terry. That's really funny.

"Hercules ka na ba, Sam? Nananaginip ka pa yata. Gising na, Oy!" Tumawa pa ako saka pilit na binabaklas yung kamay nya. Pero masyado talagang matigas itong isang ito.

"Do you really like Hercules? Ayaw mo ng Athena?"

"Nasan si Athena?" lumingon lingon pa ako sa loob ng kwarto nya. Tumigil yung tingin ko tuloy doon sa painting sa mismong right side ng bed nya.

There's Sam. She looks so happy as she was smiling widely with that Latina girl habang nakaakbay ito sa kanya. They look perfect. Leigh is right. They're complimenting each other. They both came from wealthy families. Have known each other since kids. And Grant knows Sam more than anyone else.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon