Chapter 19

19.5K 1K 262
                                    

Samantha

"Sam, lapitan mo dali. Sabihin mo ikaw si Van."

Bago pa ako makapiyok ay naitulak na ako agad palabas ng pinto ng sasakyan nila Van at Railey.

"What the fuck, guys?!"

Hindi ko talaga napagilan ang mapamura habang nakatayo ako sa mismong harapan ng babaeng nangloko kay Van. Jusko! Anong gagawin ko dito?

The girl is quite simple and pretty. Branded naman yung damit. Probably came from a middle-class family. But heck? Why am I fronting for Vanilla?

Walang nagawang nilapitan ko na lang yung babaeng panay ang lingon. Malamang hinahanap na nito si Van.

"Uhm.. Hi." Tila nahihiyang sabi nung babae sa akin.

Napabuntong hininga naman ako. Van is really stupid. Who would meet a girl sa labas ng coffee shop at sa mismong kalsada? Only Van could think of it.

"Hey, nice meeting you." Ngumiti ako ng tipid.

Inilahad nung babae yung kamay nito kaya walang choice na kinuha ko din yung kamay nito for a handshake. That lasted only three seconds. Just enough for courtesy.

Sanay na akong madaming natutulala pag nakatingin sa akin. But this girl is just smiling at me. Walang admiration. But I can tell that she finds me appealing.

"Do you want to have coffee?" Again, out of courtesy, ay tanong ko dito. I don't even know why Van is doing this to me. Sya dapat yung nakikipag usap at hindi ako.

"Sure." Sagot agad nung babae bago nakangiting itinuro yung loob ng coffee shop.

Pinili namin yung table na medyo hindi tanaw sa kalsada. Just my evil thought para itorture si Van. It's her idea. Bahala sya mamatay ngayon sa curiosity kung anong pinag uusapan namin nitong poser nya.

"Is she mad at me?"

Tila naman natauhan ako sa itinanong nito. She's smiling pero halatang malungkot.

"I'm Carmilla, by the way." Pakilala nito. "Galit ba sya sa akin kaya ayaw nya ko makita?"

Natawa naman ako. A genuine one. This girl knows her thing. So she knows that I'm not Van? Then, nice. I won't have to play a role in place of Van. I really hate it anyways.

"She's mad at you." I confirmed.

Itinaas ko yung kamay ko para maka order kami ng coffee. I really want one.

"I'll have cappucino, Carmi. Ikaw?" I asked her. Nakatungo kasi ito at nilalaro yung daliri nito. Is she crying?

Sinabihan ko na lang yung waiter na gawin na lang dalawa yung cup ng cappucino and two orders of french toast.

"Do you know, Vanilla?" Itinukod ko yung elbow ko sa mesa habang tinititigan sya. She's really good looking.

Yung itsura nito is above average. She had a fair complexion skin at halos nasa 5'5 din ang height. Not the skinny type pero she's slim.

Tumango ito. There's a sad smile pasted on her lips. I know that kind of smile. That's the smile that Grant is giving me whenever no one is looking. Lalo na kapag tungkol sa Mommy nito. The woman who've given her life just to save our lives.

"Too bad, I'm not her." Sabi ko na lang. In my mind, I'm cursing Van for putting me here. Ang awkward sobra.

Mabilis naman itong umiling. "No. I mean, thank you for showing up. Atleast medyo gumaan ang loob ko. When she told me that she already knows my identity, that scared me. But I'm still glad that she wants to meet me."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon