Chapter 7

6.2K 475 33
                                    

"Alam mo ba kung anong balita ngayon, Ella?" Inalug-alog ako ni Valeen na akala mo walang mawiwindang na taba sa katawan ko.

"Ano?"

"Wala akong assignment!"

"Luma na 'yang balita mo." Umismid ako habang umiiling. Tinapik ko ang kamay niya at siya naman itong inalug-alog ko.

"Yung buto ko naman!" Reklamo niya sa akin bago ako itulak ng pabiro at irapan. Palibhasa patpatin, eh. Kapag humangin siguro ng malakas, ako nasa lupa pa siya lumilipad na.

"Ewan ko sa'yo. Alam mo kung anong bagong balita?"

"Ano?"

Nilabas ko yung mga notebook ko at isinalansan sa desk. May nahulog pang isang notebook na kinuha niya rin naman, itinuktok pa niya iyon sa ulo ko bago ipatong sa ibabaw ng iba kong notebooks. Hindi ko na lang sinita. "Wala rin akong assignment. Alam mo kung ano pa?"

"Ano ulit?"

"Hindi ko alam kung saang subject tayo may assignment."

Pumalatak siya na akala mo sobrang disappointed sa akin kahit sanay naman na kami sa ugali ng isa't-isa. "Ella, Ella, Ella. Wala ka talaga."

"Ay, nagsalita yung laging walang gawa."

"Alam mo," Umakbay siya sa akin at talagang walang kahiya-hiyang idinipende ang bigat niya sa akin. Payat siya oo pero may bigat pa rin naman siya, buto niya lang yata sa katawan ang may timbang, eh. "Madali lang ang solusyon diyan."

"Mangongopya ka na naman?" Walang ganang tiningnan ko siya. No wonder maaga siyang nag-chat kagabi para sabihing pumasok ako ng maaga-aga. "Hindi na bago 'yan."

"Tayo." Binigyang-diin niya yung sagot niya. "Tayo ang mangongopya. Partners in crime tayo, eh!"

"Huwag mo sabihing..." Nabitin ang pagsasalita ko nang walang paalam na umalis siya at kaagad na nilapitan si West na kakarating lang kasama ang kambal nito. "Sabi na, eh."

"West, my friend!" Umakbay si Valeen kay West bago tumingin kay East na ang aga-aga ay nakangiti na kaagad. "East, my friend, gumaganda ka yata!"

"Nah, small things," Pabirong sagot ng hyper na Hansen. "Ikaw din pretty, Valeen girl."

"Bolahan pa us here," Hinila niya na rin si East para akbayan. Mukha siyang batang ibinitin sa puno. Ang tangkad no'ng kambal tapos aakbayan niya. Matangkad pa sa akin si Valeen pero walang dudang lamang yung dalawa. "Pero tingin mo magugustuhan na ako ng crush ko?"

"Oo naman!" Hindi ko na alam kung seryoso pa ba ang sagot ni East or nakikipaglokohan na rin siya sa best friend ko. Si West naman ay seryoso lang, walang reaction kahit halos magsigawan na yung dalawa sa tabi niya. "Kain ka lang kaunti pa."

Ngumuso si Valeen pero sa huli ay natawa na lang din. "Anyway, West, my friend, may assignment ka?"

Tumango si West. Walang salitang inilabas nito sa bag ang ilang notebook. Pati tuloy mga kaklase namin parang gusto nang kumopya sa way ng pagtingin nila ro'n sa tatlo. Para talagang mga sira. Binigay niya yung mga notebooks sa best friend ko at umalis sa pagkakaakbay nito.

Huli ko ang pagsimangot ni Valeen pero ngumiti rin naman kaagad. "Thanks, thanks!"

Umalis na rin si East at bumuntot kay Lucy na kakarating lang. Parang tukong kumapit sa kanya yung hyper na Hansen at dumaldal rito kahit hindi halos sumasagot yung isa. Kumunot ang noo ko. Parang ang putla at ang tamlay masyado ni Lucy ngayon.

"Good morning." Bati ni West, ni hindi ko namalayang nakalapit na siya sa akin. Katabi niya si Valeen na tinitingnan kaming dalawa, halatang nagtataka.

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon