Trouvaille

2.2K 64 0
                                    

(n.) something lovely discovered by chance.

•••

Gin Traque Venzuela's

Pagtapos Kong ligpitin ang mga Kalat ay agad nakong umakyat sa taas para puntahan si Liq. Alam Kong magtatanong siya kung anong ginawa ko.

"Hi, wife." Bati ko dito papasok ng unit, may inaasikaso siya sa Kitchen. Hindi man lang niya ko binalingan ng tingin.

Nilapitan ko siya at yayakapin sana mula sa Likod ng umiwas ito, "P-please, pwede bang dun k-ka nalang muna sa s-sala?" Pakiusap niya.

Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito pero sinunod ko nalang yung sinabi niya, lumipat ako sa Sala at binuksan ang TV. Nakikita kong sinusulyapan niya ko ng tingin at sa tuwing huhulihin ko ito ay agad siyang umiiwas. Hinayaan ko nalang, ano bang dapat Kong gawin?

"U-uhm the l-lunch is Ready, kain na tayo." Aya nito saka agad na pumunta sa Table. Sumunod naman ako sakanya.

"Wife?" Tawag ko dito, Hindi niya naman ako pinansin. "Liq, what's going on? Kanina mo pako iniiwasan e." Pero tinalikuran niya lang ako.

"Liq naman, ano bang problema?" Tatalikuran pa sana ako nito pero hinawakan ko ang Braso niya. "Please tell me, Hindi ako sanay na Hindi mo ko pinapansin, ano ba yon?" Pakiusap ko pero tinanggal lang nito ang kamay ko saka pumunta sa kusina.

"Liq, ano ba!" Sigaw ko. Ayoko sa lahat yung ganito, kinakausap pero Hindi magbibigay ng atensyon.

"Pwede bang tigilan mo ko!" Sigaw rin nito sakin.

"Ano bang kinakagalit mo? Please, sabihin mo na kasi Hindi naman ako manghuhula!" Pakiusap ko muli dito.

Matagal siyang tumitig sakin saka nag salita, "I saw it." Sambit niya. "Nakita ko lahat, lahat ng ginawa mo kanina dun sa dalawang Lalaki." Nangigilid na luhang sambit nito. I just stared at her.

"Pano mo nagawa yun ha? Wala kang awa! Nagmamakaawa sayo yung tao pero anong ginawa mo?!" Sigaw nito. "Parang Hindi ikaw yung kanina, ibang iba yung pinapakita mo sakin sa nakita ng mga mata ko kanina! Parang hayop lang na kinuha mo yung buhay ng Dalawang Lalaki, anong klase ka! Hindi kana naawa!" Dagdag nito habang nagpipigil ng luha.

"What do you expect me to do, Aicey Liq?" Tanong ko dito. "Isurrender ko sa mga Pulis? Ipakulong ko dahil may Plano silang patayin ka at ang Pamilya mo ganon ba?" Mahinahon Kong tanong. Walang makikitang ekspresyon sa muka pero sa totoo lang ay punong puno ako ng Galit. Sana pala Hindi lang yun ang ginawa ko sa mga yon kung ito pala ang kapalit.

"Kahit na, Gin, kahit anong sama pa ng mga taong yon! Wala kang karapatang ilagay sa mga kamay mo ang mga buhay nila." Umiiyak na sambit nito. "Alam mo kung ano yung napagtanto ko? Hindi pa nga talaga kita kilala, h-hindi ko alam kung sino ka, k-kung ano p-pang kaya mong g-gawin o ano pa bang gagawin mo." Napaupo ito saka napa yakap sa mga tuhod niya habang umiiyak.

"Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko," yun lang at lumabas nako ng Unit. Hindi ko ugali ng mag paliwanag kung bakit ko ginagawa ang mga bagay.

***

Napagdesisyonan Kong Bumisita sa Mansyon para kamustahin ang mga ungas at si Dad. Bumili rin ako ng Makakain dahil di pako nanananghalian.

Arranged Married With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon