Chapter 4

9.4K 541 457
                                    

Chapter 4: Disrespect
Zanashi

Everyone has been so busy for the past weeks. No time about rumors. No time for chitchats. No time for bonding. Just alone time with ourselves and our books.

Mockboard week, which will be given on the last week of this month, is finally arriving. Dalawang weeks na lang ang natitirang oras namin para pag-aralan ang lahat ng lessons namin mula first year college hanggang ngayon.

We're not the only department who will be taking the mockboard exam, some departments like College of Education, College of Health and Sciences, and College of Engineering are also participating. Kaya naman, punong-puno ang library, bagay na nangyayari lang kapag may paparating na exam.

Kasalukuyan ako ngayong nasa library at dahil wala ng available table para lang sa isang tao, sa isang group table ako naupo. Buti na lang at napaaga ako ng konti dahil ito na lang ang last table na natitira. Inilabas ko ang taxation book ko at ang notebook na paglalagyan ko ng mga important information mula sa libro. Nag-focus akong mag-aral sa taxation dahil dito ako pinakamahina.

"Is someone sitting here?" napaangat ako ng tingin mula sa libro ko papunta sa taong nasa harap ko.

Dylan. He looked like a kid who was forced to befriend another kid who stole his candy. Absolutely immature, isn't he? Tiningnan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagbabasa.

He scoffed. "Bingi ba 'to o bingi? Oy Aphra, tinatanong kita."

"Bulag ka ba o bulag? May nakikita ka bang nakaupo dyan?"

Padabog niyang hinila ang bangko na katapat ng katabi kong bangko habang bumubulong-bulong. I chose to ignore his carelessness. Basa, sulat, basa, at sulat lang ang ginagawa ko.

About ten minutes or so, he began pressing his calculator forcefully while looking so annoyed. Isang pindot, isang bagsak. I started to feel irritated as well because of the noise.

"Paano nga kasi iyon? Kainis naman," bulong niya habang patuloy pa rin sa pagpindot.

Papabayaan ko na lang sana siya nang bigla siyang tumingin sa akin. Kunot na kunot ang noo niya. Bumukas ang bibig niya pero isinara rin agad, para bang may sasabihin siya pero nag-aalinlangan. I raised my right eyebrow, encouraging him to spill it. Istorbo.

Huminga siya nang malalim. "Paano nga kunin ang Present Value of Annuity Due?"

"You're suppose to know this already, don't you think?"

"Di pwedeng nakalimutan lang?" inis niyang sabi.

Para na rin makapag-aral na ako nang matiwasay, itinuro ko sa kanya kung papaano ito kunin. Nang matapos ay inirapan ko siya. Nagpatuloy na ako sa pag-aaral at gano'n din naman siya.

Mockboard is the most nerve-wracking event every semester. 60% ang kinukuha nitong percentage sa initial final grade namin. Kaya kahit perfect mo pa ang quizzes mo sa finals kung mababa ka sa mockboard, more likely, hindi aabot ng 2.00 ang grade mo.

Makalipas ang sa tingin ko'y kalahating oras ay may tinawag si Dylan.

"Sulivan, here!" nagtinginan ang ibang mga estudyante dahil sa ingay na nilikha ni Dylan.

Kumunot ang noo ko. Isa pang istorbo.

Narinig ko ang yapak sa likod ko at maya-maya lang ay may dumating sa table namin, nakaharap siya kay Dylan at medyo nakatalikod sa akin.

"Ingay mo talaga," he chuckled while placing his bag on the table.

He was about to sit on the chair in front of me when he noticed me. I immediately tore my eyes away from him and write something on my notebook. The veins in my temple started to throb because of so much irritation and anger.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now