Season 2: Episode 9

6.3K 552 176
                                    

Nanginginig ako sa takot. Kasabay iyon ng luhang dumadaloy pababa ng mga pisngi ko. Luha na dulot ng sakit dahil wala akong magawa. Wala akong maitulong nang tuluyan nang mawala ang paghiyaw ni Kuya Brylle. Isang malinaw na hudyat na wala na siya, wala na sila ni Ate Janelle.

Right now, Santhy is staring at me with all of the concern on his eyes. It was evident that if he could elude all of the sadness from my system, he would right away do it without any hesitations.

Hindi nawala ang walang hanggang pag-huni ng mga zombies dito sa kinatatayuan namin. Rinig na rinig ko ang yabag nila. Nagtatakbuhan sila nang paparito at paparoon sa hagdan. Tila bang mga kiti-kiti na walang balak huminto.

"Ate Janelle and Kuya Brylle were gone," I told Santhy, he only rewarded me a lonely sigh.

For a moment, he seems wanting to find words that could comfort me. When his mouth fell open, madali rin iyong nagsara. It was really obvious that he can't find any words to mend my crying soul when he just sighed once more.

"We need to leave here," he told me after a long moment of pause from us, "hindi tayo ligtas dito, Venice. Kailangan na talaga nating lumabas ng building na ito. Wala tayong choice kung hindi ang lakarin ang last quarantine mula dito."

I nod at him. Tama naman siya. This building was indeed a wrong move for us. Hindi na dapat kami pumasok pa dito. Sana lang talaga ay nanatili na lang kami sa labas kasi doon, kayang-kaya naming tumakbo at magtago nang walang limitasyon.

"Let's go?" Santhy's breath is uncontrolled. Pinagpapawisan man at halata ang pagkadismaya sa lahat ng nangyari, he still tried to smile at me.

I only nodded at him. Then he reached for the head piece of my camouflage. Isinuot niya iyon sa akin. Pinanatili niya ang kanyang balanse kahit na minu-minuto siyang binabangga ng nagtatakbuhang mga infected. In the end, he succeeded putting my camouflage completely.

Pero bigla kaming natigilan nang may marinig kaming boses. Parang nangagaling iyon sa isang bata. What the hell?

Santhy and I are both focused as we squint our eyes. Sa ingay ng mga zombies, hindi namin alam kung guni-guni lang ba ang naririnig namin.

"Papa?" But it was crystal clear, it was came from a petrified little girl. Sa panginginig ng boses niya, ramdam kong umiiyak siya ngayon. "Papa, nasaan ka po?"

"Shit," pabulong at madiin na sambit ni Santhy.

"Santhy, we need to save her." I demanded Santhy. That moment, sigurado ako na kung hindi siya papayag, iiwan ko siya. I will save that girl.

"Yes, of course." Tugon ni Santhy, may pag-igting ang panga niya. May indikasyon ng labis na pagkabahala sa boses niya.

"Papa?" Ulit noong batang babae. At mabilis na lang talaga kaming napalingon sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses niya. Narinig namin ang malakas niyang pag-irit. Na sinundan naman ng malakas na paghuni ng isa sa mga zombies.

Shit.

"We need to get her as soon as possible!" Sambit ni Santhy na mabilis kong tinanguan. Wala na kaming hinintay pang oras, tumakbo kami sa kinaroroonan noong bata nang mamalayan naming nagsisitakbuhan na rin papunta sa kanya ang zombies sa hagdan.

With our eyes on the floor as we run, kinapa ko iyong bata. Wala akong makapa kung hindi hangin kaya nag-take risk na ako. I was so selfless when I took off the white head piece of mine. And from afar, I can clearly saw the little girl. Napaupo siya sa takot habang kitang-kita ko kung papaano maglaway iyong mga zombies na mabilis na tumatakbo papunta sa kanya.

"Santhy! Sa kaliwa mo!" I told Santhy na may harang pa rin ang mukha. Matapos ay agad akong tumakbo papunta doon sa batang babae. Niyakap niya ako. Pero natataranta ako sa kaba noong malamang nawawala iyong head piece ko.

"Ate! Ayan na po sila! Ate! Tulungan mo po ako!" Tuloy-tuloy na pag-iyak noong batang babae. Nakadagdag lang iyon sa kaba habang hinahanap ko ang pangharang sana sa ulo namin.

Pero alam ko, huli na ang lahat nang makita ko sa hindi kalayuan iyong head piece ko. Napapikit na lang ako. Isinuot ko iyong batang babae sa loob ng tela kung saan nakabalot ang katawan ko.

"Santhy . . ." I called for his help. Kasi ngayon, malapit na malapit na sa amin iyong mga zombies. Kaunting alagwa na lang, makikita ko na lang ang sarili ko na walang laban na nilalapa nila.

But my call for help was senseless, hindi ako makita ni Santhy. Patuloy siya sa pagkapa mula sa malayo.

"Lord, help me." I closed my eyes. And that moment, I was suprisingly ready to face my death. Sa pagod na naramramdaman ko sa lahat ng nangyayari, mas minabuti kong isipin muna ang buhay ng bata keysa sa akin.

Narinig ko na lang na papalapit nang papalapit sa akin iyong mga infected. Their growl and their smell are growing on my ears and nose. Mas lalong humigpit ang pagyakap ko sa bata kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kilabot.

Pero unti-unti, nakaramdam ako nang tela mula sa ulo ko. When I slowly opened my eyes, the first thing I saw was Santhy's worried face. Hingal na hingal siya. Iyong mga mata niya, nakasemento lang sa akin habang hinahabol niya ang kanyang hininga.

"Venice," napapikit siya nang unti-unti kaming banggain ng mga nagtatakbuhang zombies, "don't do this again. It will kill me." He let out an irritated sigh. "Fuck it."

I looked away apologetically. Nananahimik lang ako habang niyayakap iyong nanginginig na bata. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat isagot kay Santhy. Should I say sorry? For what? This is my choice. Choice kong sagipin ang bata habang sinasakripisyo ang buhay ko.

. . . mali ba 'yon?

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon