Chapter 10

783 39 1
                                    

Alam ko na produkto ng arrange marriage ang mga magulang ko. My Dad married my mother but he doesn't love her. I always see my Mom cry. Lagi-lagi. Paulit ulit. Ayoko ng ganoon.

Alam ko ang tradisyon ng pamilya tungkol sa pagpapakasal. Lahat ng mga panganay na anak ang pinagkakasundo ng mga Castañeda sa anak ng ibang pamilya.

Panganay ako. Isa ako sa mga hindi makakalusot sa tradisyon. I know that I'm bound to be married off for convenience. At hindi ako papayag. I witnessed how arranged marriage worked for my parents. I don't want it done for me.

Hindi ko alam kung ano pa maliban sa galit ang dapat kong maramdaman pagkauwi ko galing sa Italy dahil sa mga nalaman.

It was like my temporary bubble was cruelly popped just to bring me back to my reality.

It took me a lot of time to slowly bring my guard down, but it only took me one heartache to bring it all back to place.

"Raegan, pinapabalik na tayo ng Don! Naroon na raw ang mga bisita!"

I turned my head to look at ate Lala as I just finished another round of riding my horse.

Nandito kami ngayon sa farm ng isa sa malawak na mga lupain ng mga Castañeda. Since we celebrated the Christmas and New Year apart, my grandfather planned to have our own celebration together before the holiday break ends.

Dada loves the farm and we share the same interest in horseback riding. Matagal na namin itong hindi ginagawa kaya't pinagbigyan ko rin ang paanyaya niya sa gustong gawin. I also badly need to unwind to clear my head. Ang alam ko rin kasi ay kami lang tatlo nina Mamita kasama ang mga empleyado sa mansion at dito sa farm ang kasama.

Kaya nang sabihin ni ate Lala na may mga bisitang dumating ay napakunot ang noo ko.

No one mentioned that we'll have guests.

I maneuvered, Serafina, my white Morgan horse that my grandfather gifted me when I was still a kid, towards the stable. Matagal na simula nang pumunta ako rito kaya maski ito ay mistulang naninibago sa akin.

Pagkarating ko pa lang kanina ay sa kaniya na ako dumeretso ngunit nang hawakan ko ito ay mabilis itong nagkukumahog para umiwas sa akin. Even when we went for a ride, she's resisting to follow my orders.

"Raegan!", I heard someone squeal my name.

Bago pa ako lumingon sa pinanggalingan ng boses dahil sa pagtataka ay biglang kumaripas ng takbo ang kabayo. Serafina jolted by the loud sound of Zara's irritating voice.

I quickly hold on to the reins firmly when the horse went berserk. Dumiretso ito sa direksyon ng barn house at tinalon ang fence na nakapalibot sa kuwadra. Yumukod ako upang mas makontrol ang takbo ni Serafina. Napamura ako nang mahina nang muntik pa akong tumilapon sa tulin ng takbo niya. Mabuti na lang at nagpumilit si Mamita na magsuot ako ng safety gear kanina.

Rinig na rinig ko ang ang paghihiyawan sa pag-aalala ni ate Lala at Zara maging ng mga tauhan sa kuwadra ngunit hindi ko na iyon pinansin.

"Calm down, Saf. It's just a fucking chaka doll.", pagpapakalma ko rito upang bumagal ang kaniyang takbo.

I reached for her and patted her head gently like I always do to lessen her pace. Nakarating pa kami sa bukana ng barn house kung saan ang mga taong kakarating bago unti-unting huminto ang kabayo.

When it already stopped, I cares Serafina again.

"Good girl.", I whispered.

"Hija! Ano ba ang nangyari?! Sinasabi ko na nga ba! Bumaba ka na riyan!", rinig ko ang histerya ni Mamita habang ramdam ko ang paglapit niya.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon