Chapter 24

21.4K 1K 131
                                    

Terry

"Ma, malelate na ko. Bakit di mo ko ginising?!"

Muntik na ko madapa na nagtatakbo papunta ng banyo para maligo. Alas sais na kasi pero kagigising ko lang. Alas otso yung pasok ko pa naman.

Dahil sa hirap sumakay ng UV, halos isang oras yung in-allot ko sa byahe papuntang office. Usual na gising ko ay alas singko ng madaling araw. Tapos by seven nakaalis na ko dapat ng bahay.

"Shocks!"

Nagulat ako nang bumangga ako sa pader at natumba. Literal na tumalsik talaga ako at napaupo sa sahig.

Kelan pa nagkaroon ng pader sa pagitan ng sala at banyo?

Pag-angat ko ng mukha ay yung kulay tinunaw na tsokolate na mga mata yung una kong nakita. Ash Gray hair at lop sided grin na pinipigilan pa nito.

Deym! Am I still sleeping?

"Lampa ka talaga no?" Komento pa nito na tinaasan ako ng kilay.

Imbes na mapikon ay napangiti ako ng malapad. Si Samantha!

"Quit smiling. Ang creepy." Insulto pa nito na tiningnan yung itsura ko na napapailing.

Sobrang pangit ko na naman siguro sa paningin nya. But I don't care. I'm just too happy to see her. Saka sanay na naman sya na makita ako na bagong gising. Eveytime yata na magtatagpo kami magulo yung buhok ko. May panis na laway pa yata at muta. Pero okay lang. Kasi nakikita nya ako sa pinakapangit na state ko. Para pag nakita nya akong nakaayos, magulat naman din sya kahit papano.

As if it will make a difference.

"Kelan ka pa dumating?"

"Nabagok ka na ba? Hindi naman ako umalis. Ikaw itong tago ng tago." Masungit na sabi nito. But that's Sam. She have a unique sense of humor.

"Mukha ka kasing bumbay."

"Mukha akong dyosa. At sayo pa talaga nanggaling yan ha? Itsura mo na naman talaga o. Mukha ka na namang ewan. Madami kang customer?"

"Anong customer?" Takang tanong ko sa kanya habang napapangiwi pa ako. Ang sakit kaya mapabagsak na una pwet. Sa kanya ko kaya gawin yun?

On a second thought, huwag na lang pala. Sa tangkad nyang yan sigurado pag sya nakabangga sakin, ako pa din yung tatalsik.

"Magkano ba kinikita ng mangkukulam ngayon kaya nagswitch career ka na yata?" Tanong pa nito na tiningnan pa yung nailpolish nito na bagong kulay saka ako tinitigan. "Mas maganda yung bagong kulay na nail polish ko kesa sa mukha mo, tingnan mo o."

Talagang pinakita nya pa sakin yung light pink na nail polish nya na may nail art pa.

"Pwede ba! Ikaw lang ang ikinukumpara ako sa kuko. Gaga ka talaga!"

"Try mo din kasi magsuklay minsan. Parang laging tinatakbuhan ka kasi ng suklay mo. Ganyan talaga kafrizzy yung hair mo? Bakit yung hair ko hindi naman ganyan? "

Jusko! Matutuyuan talaga ako ng dugo sa babaeng ito.

"Kagigising ko lang. Hinayupak ka talagang giraffe ka. Ano bang ginagawa mo dito?" Inis na sabi ko.

Dahil sa lakas nang boses ko ay narinig yata ako ni Mama.

"Teray! Anong ginagawa mo dyan?" Sumungaw yung ulo ni Mama na nasa kusina. Nagtataka na nandito ako at nakasalampak ng upo sa sahig. Tapos nakatayo sa harapan ko yung giraffe na nangbangga sa akin.

Excuse me, Terry. You're the one who crash on her. She's just standing. Tama sya! Lampa ka lang.

"She's begging for my forgiveness daw po." Sagot ni Samantha bago umismid sakin. "But I'm not that forgiving though. Kaya tumayo ka na dyan. Lalo kang nagmumukhang dwende."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon