Chapter 65

348K 6.4K 3.2K
                                    

Chapter 65

"Nakakainis!" Kim complained.

"Okay lang yan, Kim. I'll instagram our escapades para hindi ka huli sa balita," Nof teased. Bakit naman ba kasi gustung gusto nilang sumama sa akin? Hindi naman ako magbabakasyon dun, internship ang gagawin ko.

"So mean, Nof!! DK naman kasi!! Can't you postpone your trip? Gusto kong sumama eh!" Kim whined.

"We're not going on a vacation, Kim. Internship, work, experience. You'll just get bored there," i assured her.

"I know i won't get bored!" she said with conviction.

"Bakit parang sure na sure ka naman yatang hindi ka mabobore dun?" i asked her while continuing to arrange some of the things that i will bring.

She smiled, a creepy one though, "basta. I know things will get interesting."

**

Nof's Point of View

Si Kim talaga oh! Ang obvious naman eh. 

=___=

Baka makahalata si DK niyan sa mga binabalak ko. Hehehe. Playing cupids lang ako. Alam ko na kasi ang life's mission ko, ang guluhin ang utak ni DK. Habang nandun kami, ibubugaw ko si Andy para malito siya pero at the same time, ipapaalala ko sa kanya na may girlfriend na si Andy. Yung Berdy? Tsk. Weird name pero who cares?

"Syempre," i butted in, "things never get boring as long as i'm there," i said. Sana mabasa ni DK yung underlying message dun sa sinabi ko. Kumbaga sa buhay niya, ako ang game player. I assure DK na hindi magiging boring ang stay namin dun. Not even one second boring.

"Yeah, right," DK said. Busy siya kasi nag aayos siya ng gamit niya. Tss. Bibili na lang ako dun. Hmmm. Great idea, Nof. Isasama ko na lang magshopping yung girlfriend ni Andy para naman makilala ko kung ano ba ang gusto nun. Who knows? Baka maging close pa kami.

"So, bukas na ang alis natin?" i asked again.

She nodded, "yup. 7 p.m. flight. Three countries stopovers leg then Miami bound."

I smiled, "okay. See you tomorrow, DK."

"Bye din, DK," Kim said.

We walked past through her doors. Nandito kasi kami sa bahay nila. Just spying and whatevers. You know, our life's mission is to make DK's life thrilling.

"So, hindi mo talaga ako isasama dun??" Kim complained again. Ang kulit ng babaeng to!!

I faced her, "Kimberly Joyce, ikaw ang may gagawin kaya hindi ka makakasama. Don't pester me. It's not my fault na madami kang hahabuling exams due.. to your stupid grades."

"Kainis ka!!"

"The feeling is mutual, dear."

We went to her convertible and went to the mall. Pupuntahan lang namin yung boyfriend or husband niya dahil miss na miss niya na daw. Ew. 

"Punta lang ako sa office ni boyfie. Dito ka lang or what?" she asked me.

I waved my hand in a dismissing manner, "no, go ahead. Ayokong masuka sa harap niyo," i said.

"Bwisit!!" she said and then stomped away. Kasi naman, ayoko silang makita ni Clarence. Hindi naman sa dahil single ako or what. But really, para kang nanonood ng live show pag magkasama sila. They don't even care kahit nandun ako. =___= Make out at its best.

I went window shopping habang wala pa si Kim. She told me to wait for her since pupunta daw siya sa bahay namin for strategic planning. Hindi na din ako bibili since i'll be going to Miami tomorrow. Yosh!

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon