Kabanata 21

27.1K 966 121
                                    

" Oh" napatingin siya sa nilapag kong kape sa lamesa niya tsaka bumalik sa pagbabasa ng isang proposal para sa company niya.

" Aish" inirapan ko siya kahit na hindi siya nakatingin sa akin.

Simula nung tinanong ko siya dun sa mafia niya, hindi niya na ako pinapansin.

Hindi naman ako nalulungkot kasi bakit naman pero nakakainis na eh.

Ano ba kasing problema niya? Siya pa talaga yung hindi namamansin? May nasabi ba ako? May nagawa ako? Hay nako, para siyang bata.

" Keian, kanina ka pa nakakulong dito sa study mo. Lumabas ka naman, magpahinga ka sa trabaho" lumamig yung ekspresyon niya.

" Ano bang pake mo?" Masungit niyang sabi. Umirap ulit ako at lumabas na sa study niya.

" Nyenyenye" nakakainis naman kasi siya eh. Halos pitong oras na siya doon sa loob ng kwartong iyon. Nakabukas pa yung aircon, ang laki pa naman nung loob. Sayang kuryente. Para makapagpahinga din yung aircon.

" Argh!" Nakakunot ang noo kong pumunta sa maid's quarters para magpalit ng damit.

Pupunta kasi ako sa Infirmary para icheck yung mga pasyente ko doon. Ang galing nga eh, maid na nga ako, doktor pa.

" Oh Nassandra, ano ba iyang mukha mo" naiinis na sabi ni Ema at napanguso nalang ako.

"Bakit? Si Maître?" Tumango ako kay Jane at padabog na kumuha ng damit sa dresser ko.

Tumawa lang sila habang ako, inis na inis. Haaaayyyy!

Nang makapagpalit ako ay pumunta na ako sa Headquarters nila.

Kadalasan ay binabati ako nung mga guards at bumabati ako pabalik.

" Ma'am Nass! Magandang hapon!" Bati ni kuyang guard na ang pangalan ay Felix.

Siya yung pinagtanungan ko tungkol kila Keian at dahil araw araw kaming nagkikita, naging magclose na din kami. Mabait naman silang lahat eh. Kadalasan ay nagk-kwentuhan kami tuwing pupunta ako dito. Siya pala yung parang pinaka leader nung mga guards.

" Kuya! Kamusta?" Nakangiti akong lumapit sa kanya. Kahit na naiinis ako sa kabaliwan ni Keian. Hindi ko hinahayaang maapektuhan nito yung trabaho ko.

" Mas ayos na! Thank you sa iyo ma'am" tinignan ko yung injury niya at sa tingin ko, magaling na siya.

" Naku Kuya, wala lang po iyon. Okay na po yung kamay niyo. Huwag niyo lang po masyadong biglain. Hayaan niyo po munang magpahinga nang mga dalawang araw" ngumiti siya sa akin at nagthumbs up.

" Sige ma'am! Thank you talaga!" Tumango ako sa kanya.

" Welcome po!" Lumipat ako sa susunod na guard na nakastay dito sa Infirmary.

Nang macheck ko na lahat nung taong nandito, napagdesisyonan kong bisitahin si manang.

Lately, hindi na ako nakakabisita sa kanya dahil busy ako sa 'pagaalaga' sa alaga niya.

Pagdating ko sa harap ng kwarto niya ay nakita kong nakabukas ang pinto.

May iba bang tao na unang bumisita sa akin bago ako?

Tahimik akong sumilip sa pinto.

Una kong nakita si manang na nakahiga sa kama pero may lumapit sa kanya na lalaking nakawhite na polo?

Sino yun? Parang ngayon ko lang nakita yung pigura niya.

Pinagmasdan ko lang kung ano ag gagawin niya kay manang.

Muntik na akong mapasinghap nang makita ang hawak hawak niyang bagay sa kamay niya.

Isang latigo!

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon