Chapter 11

680 35 3
                                    

Kinabukasan, pagbaba ko pa lang sa sasakyan nang ihatid ako ni Kuya David ay napansin ko na kabababa lang din ni Zara at Levi sa sasakyan ng mga ito.

Nagsalubong agad ang tingin namin ng huli.

I silently scolded myself on why did I even arrive just the same time they did. Huli na para makaiwas ako.

Kaya nga ako maaga para hindi madentention at hindi siya makita pero magkasabay pa rin kaming pumasok.

"Raegan! You're too early!"

Zara's annoying voice pointed out.

Hindi ko siya pinansin.

Nagsimula akong maglakad papunta sa classroom namin. Humabol si Zara at sumabay sa akin sa paglalakad.

Isa pa 'to.

I don't really understand her. Hindi ko alam kung bakit hindi ako iniiwasan kahit ako ang dahilan kung bakit hindi na nag-aaral dito ang isa niyang kaibigan.

She would say she hates me pero dikit naman nang dikit sa akin palagi.

Habang naglalakad ay nararamdaman ko ang presensya ni Levi sa likod namin. I know that he's watching me so I restrained myself to look back. Tahimik lang din naman itong nakasunod kahit daldal na nang daldal si Zara sa tabi ko.

He would just greet back when other students greet him, good morning.

Pagkarating namin sa classroom ay naunang pumasok si Zara kaysa sakin. Susunod na sana ako rito nang hilain ni Levi ang kamay ko.

Pinihit niya ako paharap sa kaniya. Napasandal ako sa pader malapit sa pinto.

I look at him irritatingly.

Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa habang nakatayo sa harap ko. His tall frame was blocking the rays of the sun towards me.

He stared back.

"You still won't talk to me huh?"

I snickered.

He pursed his lips when I remained silent.

Nilibot ko ang mga mata sa paligid nang may mangilan ngilan na estudyanteng tinatapunan kami ng kuryosong tingin.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Aren't you done avoiding me?"

Iritado akong tinignan siya.

"Feeling mo naman. Who are you for me to make great effort to avoid?"

Tumaas ang sulok ng labi niya.

He cleared his throat.

"Did I offend you last time?", he carefully asked me.

Ipinagkrus ko ang mga kamay sa dibdib.

"You tell me."

He released a defeated sigh and scratched the corner of his brow.

"I'm sorry. I didn't mean to make you feel that way..."

Tinaasan ko siya ng kilay, hindi pa rin natitinag.

"...but I mean what I said about loving you though."

Para akong natigalgal sa narinig. Tinanggal ko ang pagkakarus ng mga braso at nasapo ang ulo.

"May sapak ka ba sa utak ha, Zardeleja?"

Hindi siya nagsalita na waring seryosong seryoso sa sinasabi.

"My grandfather is already plotting something behind my back and I know it has something to do with you. What made you think I'd agree to your proposition when the least thing I want is to be affiliated with you?"

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon