Chapter 26

21K 1K 562
                                    

Terry

Napakunot ang noo ko nang makasabayan ko si Van na kapapasok lang ng office.

She looks like a model na literal na tinitingala. Pagkapasok nya pa lang ng front door ay pinagtitinginan na ito.

Sino bang hindi mapapalingon sa kanya? Bukod sa kilalang anak ng may-ari  ng kumpanya ay maganda pa ito, sexy, at matangkad.

Ano namang ginagawa nito dito? Imposible namang naligaw lang ito. Tapos saktong dito pa sa branch na 'to di ba?

"Miss Alcatraz, follow me in my office." Sabi nito nang mapadaan sa cubicle ko. Kalalapag ko lang ng bag.

"Ako?"

Siniko naman ako ni Clint. Tumaas yung kilay ni Van nang mapansin yun. Ano ba kasing ginagawa nya dito? Hindi naman sya nagtatrabaho e.

"Yes. Is there any other Alcatraz here?" Masungit na sabi nito.

Tinapunan pa nito ng tingin si Clint. "What's your name, again?"

Itinuro ni Clint yung sarili na para bang hindi makapaniwala na kinakausap ito ni Van.

"Clinton Andaya, Ma'am."

"Go to the HR before lunch. They'll make an offer with you."

Yumuko si Clinton. Halatang kinakabahan ito. Kahit ako man. Matatanggal na ba sya?

"Terry, follow me." utos nito saka dire-diretsong pumasok sa isang conference room.

Yung secretary naman ng Head ng Department namin ay nagkukumahog na iassist ito. Mula sa pagbukas ng pinto, pagbukas ng aircon at pagpunas ng desk para siguraduhing walang kahit anumang alikabok doon.

"Hoy, Okay ka lang?" Kinalabit ko si Clint.

Parang maiiyak naman ito. "Matatanggal na ba ako Terry? Wala naman akong sinabi o ginawang masama di ba?"

Binuksan ko yung drawer ko at naglabas ng notebook at pen.

"Bakit ka naman tatanggalin? Baka may i-ooffer sayong posisyon. Malay mo papadala ka na pala sa ibang bansa." Natatawang sabi ko para pagaanin yung loob nya.

Tila effective naman iyon dahil ngumiti na ito.

"Sige na, pumunta ka na doon. Baka ikaw naman ang mapag initan. Bakit ka kaya kakausapin? Big boss pa talaga ang kakausap sayo no? Iba ka talaga. Saka tinawag ka pa sa first name mo."

Lihim akong napangiwi. If they only know na kaibigan kasi ito ng babaeng kunwa-kunwarian kong pakakasalan, baka imbes na maging masaya ako na kakausapin ako ay mas kinakabahan pa ako.

Who wouldn't? Kaibigan din ito ni Leigh? Mamaya pahirapan nila ako o kaya pagawin ng imposible para lang mapaglayo kami ni Samantha, my love.

Awtomatikong napa-sign of the cross tuloy ako bago humakbang papuntang conference room kung nasaan si Van.

After three knocks ay pumasok ako sa loob at isinarado yung pinto.

Van is sitting comfortably on the chair. Hinihilot pa nito yung sentido nito na akala mo may headache na.

"Just sit down. Do you want coffee?" Sabi nito na hindi man lang ako sinulyapan ng tingin.

"Iuutos ko kay Shiela. Gusto mo ba ng kape?" Tanong ko din dito na ang tinutukoy ay ang secretary ng Head ng Department namin.

Umangat ang mukha nya. Noon ko lang napansin na kakaiba pala yung kulay ng mata nito. Color gray. Yung cloudy type. Ang ganda.

"I'm the one asking, Terry." Nagpapasensyang sabi nito. "All you have to say is Yes or No."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon