20

90.9K 2.7K 1K
                                    

Denisse Gonzales-Juariz

"Don't shout!" Ang utos niya sa akin habang tinatanggal ang kanyang kamay mula sa pagtatapal ng aking bibig.

"S-Sino ka?" Ang kinakabahan kong tanong dito habang pilit na inaaninag ang kanyang mukha.

Dahil sa suot nitong hoodie at mask nahihirapan akong kilalanin kung sinot ito. Napakapamilyar ng boses at amoy nito. Hindi ko lang maalala kung saan o kung kailan ko siya nakasalamuha.

Tinanggal nito ang suot-suot na hoodie at jacket at ngumite ng malapad sa akin.

"Hi, kuya!" Ang masiglang bati sa akin ng binatang nakausap ko kanina sa harap ng bahay ni Jonas.

"Hello...Migo, right?" Tanong ko dito na tinanguan niya. "Migo, ano kasi...naghihintay na 'yong mga anak ko sa akin. Pwede bang dumaan?"

"Opo. Pero kuya, pa-request naman oh. Kapag may nakita kayong matangkad na lalaki na nakasuot ng asul na stripes shirt at itim na pants at nagtanong kung nakita niyo ako. Pakisabi wala ha? Sige na, Kuya." Ang naiiyak na pakiusap nito sa akin habang nakakapit pa sa braso ko.

"S-sige." Pag-sangayon ko dito. Hindi naman mukhang criminal ito. Sino kaya ang pinagtataguan niya?

"OMG! Thank you, kuya!" Ang masaya niyang sigaw bago ako dinambahan ng yakap. Lumayo ito sa akin at kinuha ang kamay ko. Inilagay niya doon ang isang maliit na cylinder shaped box at isinara iyon. "Sayo na lang 'yan, kuya. Wala na akong paggagamitan diyan. Keep your promise ah!"

Nagtataka man ay tumango pa rin ako dito. Inilagay ko nalang sa bulsa ng shorts ko iyong ibinigay niya. Sa bahay ko nalang 'yon bubuksan at baka tuluyan ng magalit sa akin si Jonas sa tagal ko dito sa cr. Nagpaalam ako dito at nagmamadaling lumabas ng banyo.

Habang naglalakad ako sa aisle palapit sa guard na nagbabantay dito sa cr, nakabangga ko pa ang isang lalaking nakasuot ng asul na stripes shirt at itim na pants.

"Dr. Montseratt?"

Lumiwanag ang balisa nitong mukha nang tawagin ko ang kanyang pangalan. "Den? Den, right? May nakita ka bang bubwit sa cr? Medyo may kaliitan iyon, maputi, singkit, at nakahood na gray."

Si Migo ang agad na pumasok sa isipan ko habang inilalarawan ang bubwit na kanyang hinahanap. Hindi ko alam kung ano ang meron o relasyon nilang dalawa ngunit wala akong karapatang manghimasok sa problema nila.

"Nakita ko kanina pero lumabas din kaagad siya sa banyo pagkakita sa akin." Kung ano ang ipinangako ko. Iyon ang tutuparin ko.

Napahilamos ito sa kanyang gwapong mukha at pagod na ngumite sa akin.

"Thanks. I should go now." Anito bago nagtatakbo paalis sa harapan ko. Nakaramdam tuloy ako ng nakonsensya sa ginawa kong pagsisinungaling.

Pagkarating ko sa waiting area ng supermarket, hindi na maipinta ang mukha ng kambal habang nakaupo sa tabi ng cart na may lamang mga supot.

"Saan ang daddy niyo?" Tanong ko sa dalawa pagkalapit ko sa kanila. Itinuro ni Janisse ang daddy niya habang hawak-hawak ang cellphone nito.

Sinundan ko ng tingin ang hintuturo ni Janisse at nakita si Jonas na kausap ang isang magandang babae. Ang postura nito ay katulad ng mga babaeng nili-link kay Jonas sa mga balita.

What can I expect? Jonas can redeem his role as a father to our children but never my husband. Hindi na ako aasang may magbabago pa sa pagtingin niya sa akin. Maybe we could be friends. But as lovers? Husbands? Suntok sa buwan lang yata 'yon.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon