treatment

859 18 0
                                    

○ hope you like it.

Ako si Ana, 23 yrs old, 4th yr college student na SANA. Sa kasamaang palad, hindi na ako nakatapos ng college.

First day palang ng klase ay bigla nalang akong nawalan ng malay sa gitna ng batibot.

Dinala ako sa malapit na clinic, at doon lang namin nalaman na mayroon akong iniindang sakit.

"May limang minuto ka nalang para sa treatment mo." Sabi ni nanay sakin.

"What for? Mamamatay din naman ako, para saan pa ang treatment na yan?"

"Ana!"

"What? Mali ba ako? Come on mom! Hindi na ako bata, alam ko na kung ano ang nangyayare sakin! Kahit hindi nyo sabihin, alam kong malapit na ako." Lumabas ako ng kwarto saka nagtungo sa garden ng hospital para magpa hangin.

Alam ko namang wala na akong pagasa. Nagsasayang lang ng oras at pera sila mama para lang sa wala.

Nang maisipan kong pumasok na sa ulit ay may nakita akong lalaki na naka sandal sa may pinto ng katabing kwarto ng kwarto ko.

May hawak syang gitara at tinutugtog iyon.

Nilampasan ko lang sya saka pumasok sa kwarto ko.

"Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap."

"Jan lang sa tabi tabi."

"Look, please take care of yourself baby, ginagawa naman namin to para sayo eh."

"I'm okay dad. Gusto munang mapagisa."

Umalis na sila mama at papa, babalik nalang daw sila bukas para sa next treatment ko.

Alas onse na ng gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Naisipan kong lumabas muna ng hospital para magpahangin.

"Ma'am kailangan nyo na hong magpahinga." Sabi ng nurse.

"Magpapahangin lang po muna ako." Paalam ko.

"Sasamahan ko na po kayo, baka po kase pagalitan ako ng magulang nyo."

"No, it's okay, I can manage."

"Pero ma'am.---." Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil lumabas na ako.

Pagkarating ko sa garden ng hospital ay naroon yung lalaking nakita ko kanina.

Sino kaya ang dinadalaw nya rito?

"Can I sit here?" I asked him.

"Hindi ko pagmamayari ang upuan, wag ka ng magpaalam."

Suplado.

"It's late, bat di ka pa natutulog?" Tanong ko uli pero hindi sya nagsalita.

"Bakit ka nandito? Late na ahh."

"..."

"Hmm, may dinadalaw ka ba rito?"

"..."

"Bingi ka ba?"

"..."

"Ahh bakla ka siguro."

"I'm not. Do I look like a gay?"

"Ayon! Nagsalita rin HAHAHA."

"Tss."

"So ano nga? May dinadalaw ka ba rito?"

"Mukha bang may dinadalaw ako rito?"

"Nakita kita kanina ehh, malapit sa kwarto ko may dinalaw ka 'don?"

"Meron, pasyente ko. I'm a doctor."

"Doctor ka!? Eh wala ka ngang gown chaka hindi halata ah. At isa pa, doctor ka pero nakatambay ka dito sa garden."

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon