Chapter 4

42.3K 1.1K 54
                                    

Craziness

Kunot noo siyang nakatingin sa akin. Puno ng pagtataka ang mukha nito kung bakit ako nandito sa kanyang harapan. Bakit nga ba ako nandito sa harapan niya?

Ah oo nga pala dahil sa naisip kong kabaliwan.

"Hoy!" Lasing na lasing na tawag ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang kanyang noo.


"What?" Takang tanong niya sa akin pero nasa tono pa rin nito ang pagsusungit. Hindi ko siya masisi, inaway ko siya kanina dahil hindi ko gusto na makisalo siya.

Pinagkaitan ko siya ng tyansa na makahanap ng pag asa na makakahanap din siya ng makakatuwang niya sa buhay sa pamamagitan ng bulaklak ng bagong kasal.

I hate the sadness that I can see in his deep blue eyes. Parang gusto kong alisin iyon.

I don't know why? Baka hindi lang ako sanay? Because three years ago sa pagkakaalala ko, punong puno iyon ng kasiyahan, unlike now.

Sa paglapit ko sa kanya ay muntik pa akong matumba, pero mabilis ang reflexes niya at nahawakan ang siko ko. When he touch my skin ay may kung ano akong naramdaman na kuryente na nanggaling sa kanyang daliri.

"Aw!" He hissed at agad ding bumitaw sa akin na parang napaso siya. Litong napatingin siya sa akin at sa kamay niyang sumalo sa siko ko. Kahit na nagulat ako sa naramdaman kong kuryenteng iyon ay ipinagsawalang bahala ko iyon, dahil sa mas nakapokus ako sa kabaliwang gagawin ko.

"Hoy bakla!" Tawag ko na naman sa kanya.Sinimangutan lang niya ako at saka tinaasan ng kilay. "Quiro!" Tawag ko ulit sa kanya.

"Ano?" Asik niya sa akin. "Wag mo nga akong ginugulo. Di tayo close, di din tayo friends." Pagsusungit niya. Tama naman ang sinabi niya but I wrinkled my nose upon hearing it. Di nga kami friends, kasi tinanggihan ko yung inaalok niyang friendship noon. 

Hindi ko pinansin ang pagsusungit niya.

"Gusto mo?" I ask and lift my both hands na nakahawak sa bouquet and I let him see my perfect set of my white teeth by smiling widely on him while extending my both arms na hawak hawak ang   bulaklak.

Napasinghap ang ilang nanonood sa amin.

Kumunot ang noo nito, mas lalong nalito.  He look at the flower and then shift his gaze to my eyes. Kita ang pagkalito sa kanyang mata. But then nanlamlam ito, ayan ka naman sa mata niyang napakalungkot. Gusto ko talagang burahin ang lungkot ng mga iyon.

Napalunok siya at saka napatingin na naman sa bulaklak but his stare won't take long on the flowers but on my eyes.

My smile was so wide while extending my arms offering the bouquet of flowers that I catch.

His deep blue eyes bore on mine for how many minutes. Matagal dahilan kung bakit parang malulunod na ako sa mga titig niya. Makikita ang pag aalinlangan at hindi parin naman mawawala ang lungkot na makikita  sa kanyang mga mata.

"Sayo na." Nakangiting sabi ko.

"Wh- Why are you giving that to me?" Takang tanong nito while our eyes is lock with each other. I saw an emotion in his eyes, gulat at meron pang iba na hindi ko maipaliwanang.

He swallowed.

"Because I don't need it." Simpleng sagot ko sa tanong niya. Sa isang iglap ay naging malamig ang kanyang mata. Naging seryoso. Nakikita ko din ang pagkainis sa kanyang mukha. Dahil siguro sa ideyang ang pinakaaasam asam niyang bulaklak ay hindi kailangan ng iba. At nanggaling pa iyon sa babaeng pinagkaitan siya ng pagkakataon para masalo iyon. Alam ko naman iyon. Nag give up na ako kanina sa pagsalo but the flower came to me.

And who would believe my lame reason why I want to give it to him?

Saka hindi ako ganun kababaw para ibigay sa kanya ang bulaklak na ito dahil hindi ko lang ito kailangan. .

I have my own reason deeper than that.

I am deeper than that.

"Anong kapalit niyan?" Seryosong tanong na naman niya. Kita ang pagdududa sa mga mata nito.

I pouted because I can't think of anything. Sa katunayan wala naman sanang kapalit ito, pero dahil nagtanong siya ay mag iisip nalang ako.

Ano nga ba?

Pero nagliwanag ang mukha ko noong may maisip ako. Nginisihan ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"You like it or not? Ibibigay ko na ito sa iba." Sabi ko at akmang lalayo na.

"Anong kapalit?" He ask again. Ayaw niya talagang magkaroon ng utang na loob sa akin.

"Basta. If you want it then get it. Ibinibigay na nga eh." Nakangusong sabi ko. Bumaba ang mata niya sa labi ko. Pero agad ding nag iwas ng tingin.

"Kaimbyerna kang merlat ka. Hindi mo sinasagot ang tanong ko."
Reklamo niya.

"Quiro wag mo nang patulan yang kabaliwan ni Jamie lasing lang yan." Ariza said.

"Hoy Jamieya ano namang kalokohan yan-"

"You guys shut up!" Pagsusungit ko sa tatlo. Isinara naman nila yung bibig nila and acted like they are zippering it. Binalingan ko si Quiro at ngumiti sa kanya ng todo. Oo kabaliwan nga itong ginagawa ko.

Pero sabi ko nga I wanted to be crazy just for once. At ang target ng kabaliwan ko ay ang baklang kailan man ay hindi ko naging kasundo.

Kahit minsan lang. Minsan ko lang gagawin ang kabaliwan na ito.

"You'll know it once you receive this flower." I answered to his question. Kita ang pagdududa sa mukha nito. Pero nandon parin ang eagerness nito na makuha ang bulaklak. Why is everyone was willing to get the brides bouquet anyway.

Eh hindi naman totoo yung paniniwala na yun.

Tatlong beses na pero wala parin. This is the fourth time and I already gave up believing in it.

It's not the beliefs, its the hope that the flower might give kaya nila gustong makuha ito.

I extend my arms again, pilit na iniaabot sa kanya yung bulaklak. Quiro sigh at napangisi ako ng wagas noong kinuha na niya. Ngiting tagumpay.

Umiikot na ang mundo ko dahil sa kalasingan pero napangiti pa rin ako ng wagas. Akala ko tatanggihan niya.

"Now what?" He ask curiously. I smirk to him dangerously. Matitikman na niya ang kabaliwan ng isang Jamieya Suarez.
Kita ko ang paghakbang nito paatras when I step forward. Kita ko ang pagkataranta sa mukha niya.

"I need to do this in exchange." Ngising sabi ko sa kanya at inisahang distansiya ang pagitan namin, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya ng mabilis and I claim his lips.

Napasinghap siya, nanlaki ang mata and I heard a sound of tud.

Nabitawan nito ang bulaklak na ibinigay ko sa kanya. But for me, I close my eyes and kiss him even more kahit na hindi siya nagrerespond.

He has a soft and sweet lips. I cling my arms on his nape.

The people who are watching us gasped.

I kissed a gay in exchange of the flower that I gave to him.

Seconds has been pass and I stop kissing him. Lumayo ako konti para tignan ang mukha niya.

Dilat na dilat pa rin ang kanyang mata. Hindi parin nakakahuma sa pagkagulat. He swallowed at sinalubong niya ang mga titig ko. Our eyes were lock into each other. Until I felt the unfamiliar beating of my heart.

It was fast and loud.

My heart beat erratically that its so hard for me to breath. Parang kinakapusan ako ng hininga napahigpit ang kapit ko sa kanyang batok. Bumigat ang aking dibdib, nanlabo ang aking paningin hanggang sa unti unti nang nagdilim ang aking paligid.

"Fvck!" I heard him cussed and I just feel a strong arm that catches me before I totally lost my consciousness.

For once in a while we are doing crazy things that might lead us to unexpected things.

And I did mine.

I kiss a gay because of my craziness.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon