Chapter 5

43.2K 1.1K 62
                                    

Craziest

Ilang mura na ang nasambit ni Quiro dahil sa bigat ng babaeng pinapasan niya. The girl just passed out awhile ago pagkatapos siya nitong halikan.

Nashook talaga ang katawang bakla niya dahil sa paghalik nito kanina sa kanya. Sinong hindi masushook never in his life na pinangarap niya na mahalikan ng isang merlat. Bata pa lang siya ay alam niyang talong na ang kanyang hanap. Noong highschool siya indenial pa rin siya sa tunay niyang pagkatao pero feel na niya talaga na dyosa siya.

Kaya bago pa man siya nagcollege ay inamin na niya sa sangkabaklaan ang tunay niyang katauhan. Isa siyang paminta! Akala niya nga magagalit ang kanyang mudrakels at fudrakels pero sinuportahan lang siya ng mga ito. Kaya noong college siya ay nagladlad na siya ng tuluyan. He even crossdress sometimes.

Nagpalong hair, he wears colorful clothes, colorful make ups.

Dahil long hair siya noong college siya ay okay lang sa school na mag uniform siya ng girls uniform.

And now after his 32 years of existence ay hahalikan lang siya ng merlatie!

He's never been kissed by  a woman! Not until this woman kissed him!

Nagbago lang siya at hindi na ganun kalala ang pagkocrossdress niya when he entered the business world dahil kailangan na niyang pamahalaan ang kanilang negosyo. Ayaw niyang minamaliit dahil bakla lang siya, hindi niya ikinakahiya ang totoong siya na bakla siya.

He is very proud that he is gay!

Sa mga nakalipas na taon ay unti unti nang natatanggap ng lipunan ang mga kagaya niya pero may iba paring natitira na hinuhusgahan ang kagaya niya, minamaliit, at pinagsasamantalahan dahil ang akala nila ay mahihina sila.

And he don't want to be treated like that.

Hindi porket bakla na siya ay mahina na siya. So he decided to change his appearance, binawasan na niya ang pagsusuot ng pangbabaeng damit.

Ano nga ba ang basehan para sabihin na bakla ka? The way you talk, the way you dress or the way you see your heart and yourself?

"Tangners talaga!" He hissed again when Jamieya just wiggled her body kaya muntikan na niya itong mabitawan. Jamieya was on his back giggling. Ewan nalang ni Quiro kung ano ba ang tinatawanan ng lasenggang ito. He keep on walking kahit na hirap na hirap na siya.

Sa totoo lang wala siya sa ganitong sitwasyong  ito kundi dahil sa tatlong kaibigan ni Jamieya. Siya na daw ang bahala dito.

"Kaimbyerna yung nga beshikels mo! Mga wala silang kwenta!" Asar na sabi niya dahil sa inis na nararamdaman niya. Alam naman ng mga ito na hindi sila friend ni Jamieya, this girl hated him sa hindi niya malamang dahilan.

He offered her a friendship three years ago but this woman just rejected him.

Ang mareject pa naman ang pinakaayaw niya.

"Hoy! Hindi sila walang kwenta!" Sa lasing na lasing na tinig ay angal ni Jamieya. He snorted!
"They love me!" Jamieya said and laugh like crazy.
Dahil doon ay gumalaw ito dahilan nang muntikan na nilang pagkakatumba. He cussed again.

"Shit! Jamieya wag kang malikot kung ayaw mong magsumubsob tayo!" Inis na pakli niya dito. Nayumi owned a resort kaya doon naganap ang reception ng kasal nito. At may kanya kanya silang cottage and room na panasamantalang pag i stay han. At dahil mas malapit ang cottage na inookupa niya kaysa sa kwartong inookupa ni Jamieya ay napagpasyahan niyang dalhin nalang ito sa cottage niya.

Hindi naman niya magawang iwan nalang ang dalaga dahil nga gaya ng sabi niya mga walang kwenta ang kaibigan nito at inabandona nalang ang dalaga at ipinaubaya sa kanya ang responsibilidad.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon