Chapter 3

44.5K 1K 16
                                    

The Bride's Bouquet

The brides bouquet. For an old maid like me na gustong gusto nang maikasal gustong gusto ko din talaga na masalo iyan. Dahil naniniwala ako sa paniniwala ng karamihan na kung sino man ang makakasalo nun at makakakuha ay siya na ang susunod na ikakasal.

And the countdown start again. Inihanda ko na din ang sarili ko. Para sa madugong laban sa pakikipag agawan sa bulaklak.

And when Nayumi threw the flower parang nagslow motion ang lahat.

Pero may kung anong nagtulak sa akin para gawin ang isang bagay.  I step aside and let the other girls na pag agawan iyon. 

Kung sakin talaga nakatadhana, sakin yun mapupunta.

Hindi ko na  hahayaan ang aking sarili na makipag agawan sa bulaklak na yan hanggang sa tipong mapupunta na sa sakitan.

Nagulat nalang ako at nanlaki ang aking mga mata noong makitang papunta sa pwesto ko ang bulaklak. Dahil sa pag aagawan ng mga babae sa bulaklak ay nabitawan nila ito at naibato papunta sa akin.

Bago pa maitama sa mukha ko ay sinalo ko na ito. Nanlalaking matang napatingin ako sa bulaklak.

The flower effortlessly came to me!

Napunta sa akin ang bulaklak na hindi man lang ako nag eeffort kumpara sa kasal ng tatlo na kulang nalang ay makipagpatayan na ako sa pakikipag agawan para lang masalo ko.

Nakatadhana ba talaga na sa akin mapunta ang bulaklak?

"You caught it!!!" Masayang tili nila Ariza na nilapitan na ako. Nagtatalon talon pa ang tatlo. Mukhang masayang masaya na ako ang nakasalo sa bulaklak.

Pero ako?

Nanatili lang nakatitig sa hawak kong bouquet. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Habang nakatitig sa bulaklak ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Im not happy, Im not sad either. Its just that, I lost hope in it. I lost hope in believing in it.

After catching the bride's flowers for three times in the past at hindi pa din ako naikakasal.

Nawalan na ako ng interes na maniwala sa bagay na pinaniniwalaan ng karamihan.

And then I sigh.

I forbid myself in hoping. Hoping that this bride's bouquet can give me the one that I am wishing for.

"Guys..." Tawag ko sa mga kaibigan ko na natigilan sa pagsasaya para sa akin. Tinignan nila ako ng kunot noo. Nagtataka kung anong sasabihin ko. Huminga ako ng malalim at saka tinignan ang bulaklak.

Hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa taong yun na may nakasimangot na mukha habang nakatingin sa akin. Kita ko ang lungkot at inggit sa mata nito habang nakatingin sa hawak kong bulaklak.

At saka ko naalala. Kagaya ko, may iba din palang naghahangad ng hinahangad ko. Ano bang hinahangad ko? Ang maikasal lang ba? Ang makapagsuot lang ba ng wedding gown?

Pero hindi lang iyon ang gusto ko eh. Dahil ang pagpapakasal lang ang simula ng lahat ng totoong hinahangad ko. Dahil ang totoong pangarap ko ay ang buhay pagkatapos ng kasal.

Ang buhay na kung saan gigising ka kasama ng lalaking minamahal mo. Bubuo kayo ng masaya at nagmamahalang pamilya. Because after the wedding I can get the life that I wanted. Yung hindi ko na iisipin na mag isa lang ako.

Yung inggit sa mata niya... Naiinggit siy hindi dahil ako yung nakasalo. Kundi sa ideyang may mas malaki na akong chance para makilala ang prince charming ko at makasama siya. Pero ang baklang katulad niya ay mahihirapan sa aspetong iyon. Dahil aminin man natin o hindi iilan lang sa kanila ang nahahanap talaga ang pagmamahal na hinahanap nila mula sa kapwa nila lalaki.

Dahil ang ilan sa mga lalaking dumadating sa buhay nila ay pinagsasamantalahan lang sila, nagtetake advantage sa mga kahinaan nila.

And somehow I understand him. He is eager to get the bride's bouquet because of the hope that the flower might give him.

Nag iwas ako ng tingin kay Quiro.

Huminga ako ng malalim at sakto namang may dumaan na waiter sa amin kaya kumuha ako ng isang kopitang wine at saka

"Langya Jamie  balak mo bang magpakalunod sa alak."

Napasinok nalang ako at saka ngumiti na parang baliw na nakapagpailing sa kanila.

"Pwede bang magpakabaliw kahit minsan lang? Pwede bang gumawa ng kalokohan kahit paminsan minsan lang?" Bulong ko na ako lang ata ang nakarinig.

Tinignan ko ang bulaklak na hawak ko. At saka pasuray suray na naglakad habang nakatingin ng diretso sa kanya. Particularly on his eyes na gustong gusto ko.

The attention is not on me.

Abala na ang karamihan. And my world is spinning. Muntik pa akong matumba but I walk and tried my best para makarating sa gusto kong puntahan.

Until I arrived in front of him na kanina pa nakasimangot na nakatingin sa akin at sa bulaklak na hawak ko.

He really want the bride's bouquet.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon