CHAPTER 31

941K 32.1K 43.8K
                                    

CHAPTER 31

NAGKATOTOO ANG dapat ay biro ko lang kay Maxwell. Magkakasunod na araw akong dumederetso sa area niya after ng shift ko. Wala siyang case na hindi ako tumulong. Maging ang ibang trabaho niya ay inaako ko na para mabawasan kahit papaano. Sabay kaming kumakain, sabay kaming nagpapahinga, sabay kaming umuuwi, walang oras na hindi kami magkasama. Sobrang saya. Nagkamali ako nang biruin ko siyang mawawala ang pagod ko basta siya ang kasama. Dahil nagkatotoo iyon, walang oras na dumaan na nakaramdam ako ng pagod.

Pumayag ang mga magulang niya, syempre, masaya pa nga sila. Wala na rin silang kailangang ipag-alala dahil pareho kaming bagsak ni Maxwell pagkauwi. Pero masasabi kong iyon 'yong pagod na masaya, hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Noong una lang nangyari iyong naipagluto ko pa siya bago kami mag-duty sa OR. Nang mga sumunod na araw kasi ay wala nang oras, magkakasunod pa ang mga pasyente. Kahit gano'n ay walang paglagyan ang saya ko. Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong hindi ako masaya sa OR dahil ang totoo, mas masaya ako roon. Hindi ko talaga maipagpapalit ang area na 'yon sa iba pa.

Ngayon, 'eto at palihim akong nakatitig kay Maxwell habang abala siya sa pagsusulat sa chart sa kabilang station. Sa area na 'yon ay magkaharap ang nurse's station, ang isa ay para sa minor operations, ang isa pa ay para sa major. Katatapos lang ng unang major operation nang gabing iyon. May isang oras kami para kumain at magpahinga.

"Mabuti talaga at dumating ka dito, Ma'am Yaz,"mayamaya ay anang head nurse ng OR. "Nabuhay ang area namin," ngiti niya. "Malaking tulong ka sa totoo lang, ma'am."

"Tama," anang isa pang nurse. "Nabawasan ang katahimikan." Bahagya siyang lumapit upang hindi marinig nang mga nasa kabilang station. "Ayaw kasi ni Doc Maxwell nang maingay. Nagkakataon pa naman na close 'yong magkaka-shift talaga."

Natawa ako. "E, sobrang ingay ko kaya."

"Girlfriend naman kasi kayo ni doc."

"Ano ka ba, ma'am? Noong hindi pa kami, sobrang ingay ko na talaga. Actually, pinanganak na 'kong ganito. Hindi naman siya nagagalit sa 'kin, ma'am," natatawa kong sagot. Palibhasa'y medyo malayo si Maxwell, malakas ang loob kong magkwento.

"Baka noon pa man ay may gusto na sa 'yo, kaya hindi nagagalit, ma'am?"

Nakagat ko ang labi ko. "Naku, hindi naman imposible 'yan, ma'am," biro ko. "Ang totoo, ganyan din ang kutob ko noon." Tumawa ako.

"Ganda mo kasi, ma'am. Bagay na bagay kayo ni Doc Maxwell," muling sabi ng head nurse. "Nakakatuwa talaga kasi no'ng dumating ka dito, madalas nang ngumiti si doc. Parating seryoso 'yan. Natatakot nga kaming lumapit minsan."

"Lahat ng nurse, takot, babae man o lalaki. May crush man sa kaniya o wala, natatakot kay doc. Masungit kasi. Si Doc Keziah lang talaga ang nalalapitan namin, tapos siya na lang ang kumakausap kay Doc Maxwell," anang isa pa.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Kuyaw. Mapait akong ngumiti.

"Pero ngayon, ma'am, kapag tinatawag ko si Doc Maxwell, hindi ko na maramdaman 'yong kaba. Kasi nakangiti agad siya," dagdag pa no'ng isa.

Ngumiti ako. "Hayaan mo, kapag na-assign na talaga ako dito sa area ninyo, araw-araw nang good mood ang baby ko."

"Naku, sana nga, Ma'am Yaz."

"Baby, let's go," 'ayun na ang tinig ni Maxwell.

Kagat-labi kong nakindatan ang dalawang babaeng nurse saka nakangiting humarap kay Maxwell.

Nakita ko nang ngitian niya ang dalawang nurse na kausap ko kanina. "I ordered food, you may take your break." Salitan ang break ng mga nurse, hindi maaaring magsabay at iba ang pantry nila sa mga doctor.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon