Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

CHAPTER 2

143K 4.5K 7.2K
                                    

CHAPTER TWO



PATAAS pa lang ang araw ay nasa planta na sila Tatianna. Masaya ang pagtatapos ng selebrasyon ng kaarawan ni Don Patricio, hating gabi na sila nakauwi pero maaga pa rin bumangon para sa trabaho.

Sa totoo lang ay medyo inaantok pa siya. Hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa napag-usapan nila ni Zacarias at ang huling sinabi nito sa kanya.

Isa lang ang ibig sabihin niyon, hindi siya dapat na lumapit pa sa lalaki. Pero bakit may 'Baby' pa?

Siguro ay normal lang 'yon? O, pa-konsuelo de bobo lang para maganda pa rin sa pandinig ang hindi direktang pagtataboy nito sa kanya?

At wala naman siyang balak na makipaglapit kay Zacarias 'no!

"O, magkape muna kayo."

Inilapag ng ina ang dalawang kape sa ibabaw ng lamesa. Kasalukuyan silang nasa ilalim ng puno ng niyog, pahingahan nila 'yon at tambayan kapag tapos ng ang trabaho. Ginawan ng kahoy na lamesa at dalawang mahabang upuan na magkatapat.

"Tama pala ang bali-balita ano? Ikakasal na pala si Senyorito Zarick." Balita ni Aling Salome.

Si Zarick ay pangalawa sa limang magkakapatid na Guerrera.

"Mukha namang hindi niya gusto ang babae. Marami ang nakapansin kagabi."

At dahil kasama niya si Zacarias kagabi, nahuli tuloy siya sa balita na kumakalat ngayon. Hindi niya nga rin nakita si Zarick o kung sino man ang babae.

"Si Senyorito Zacarias kaya? Kailan magpapatali?" Si Aling Salome ulit na masasabi niyang pinakamaraming nasasagap na balita tungkol sa pamilya Guerrera. "Humihiling na ng apo ang Don at Donya, sino kaya ang mauunang mabibiyaan sa magkakapatid?"

"Kung sino ang pinakamatinik sa babae, iyon ang unang magkakaanak, Salome." Ang ina niya na nakikisabay din para naman may kausap si Aling Salome.

"Lahat naman daw 'yan ay matitinik sa babae kaya lang ay mga palihim lang ang mga relasyon. At mukhang maiingat para hindi magkaroon ng mga anak sa labas."

Sa kalayuan ay tanaw niya ang ama tumitingin-tingin na ng mga buko na pwedeng kuhanin. Si Julio naman ay himala na tahimik sa bandang gilid niya.

"Tahimik mo, ha." Pansin niya sa kaibigan.

"Baka naman nagseselos ka, Julio?" Ang kanyang ina na may ngisi sa labi.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Bakit naman magseselos si Julio?

"Hindi ho."

"Naku, kagabi pa busangot ang mukha mo nang malaman mong nasa itaas si Tatianna kasama ang mayayamang bisita."

"O, nakapunta ka pala sa itaas, Tatianna? Kumusta? May nakilala ka ba? Sa ganda mo, bulag lang ang hindi makakapansin sa ‘yo." Si Aling Salome na nagagandahan din sa kanya.

Wala naman yata sa buong Hacienda Guerrera ang hindi nagandahan sa kanya?

"Wala naman po. Dinala lang ako doon ni Senyorita Zalanna. Kumain lang ako ng dessert."

Hindi niya na babanggitin pa sa mga ito na nakausap niya si Zacarias. Wala rin namang saysay.

"Natapunan kasi ng wine ang damit ni Tatianna kaya pinahiram muna ni Senyorita Zalanna ng damit." Dugtong ng ina. "Anak, ibalik mo 'yon, ha. Halatang mamahalin."

"Opo."

"O, tignan mo nga naman, may maaga tayong bisita. Hala, tara at mag-umpisa na tayong magtrabaho."

Malayo ang tingin ni Aling Salome. Nang sundan niya ay para pa siyang napaigtad nang makita ang paparating na kabayo at sakay ang pamilyar na lalaki.

HG 1: Seduction of FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon