Fifteen

188 17 2
                                    

Meir Kim

"Namjoon!" napatigil sa pag lalakad ang pitong lalaki ng biglang sumigaw si Fiona.

Sinundan naman namin siya ng tingin ng tumakbo siya papunta kay Namjoon at yumakap.

Ewan ko pero nag pipigil talaga ako ng tawa. Ang sweet lang kase tignan at I'm not into it.

"Okay gusto ko din" napa tingin kami kay Jungkook ng mag salita siya.

Aww. Wala kase dito si Shyl. Ang sabi niya di daw niya kayang makita si Jungkook na aalis tas pupunta sa ganong lugar. Baka daw kase pigilan niya pa.

Masyado daw kaseng mahirap para sakanya.

Ang drama hahahaha.

"Okay lang yan sigurado namang mag kikita pa kayo" saad ni Taehyung.

Nga pala after nilang mabasa yung naka sulat ginamot agad namin yung mga sugat niya.

Base sa kwento ni Sophia sakin kahapon, pag karating daw nila sa kakainan nila binugbog daw si Taehyung ng random na tao mga tatlo daw sila tas tangka daw siyang kunin buti na lang may lumapit daw sa kanila para tulungan silang dalwa. Tapos naka takas yung mga bumugbog at tangka siyang kunin.

Nag katinginan kami ni Jimin. Ningitian ko naman siya para sabihin sa kanya na kaya niya.

"Tara na mag eeight na" saad ni Kuya.

Nauna na siyang umalis at sumunod naman ang iba.

Ilang minuto na silang naka alis at naiwan kaming mag babae dito na nakakulong sa bahay.

Di ako mapakali.

"Natatakot ako" narinig kong sabi ni Angela.

"Alam mo Meir ikaw lang naman kailangan nila bat kailangan mo pa kaming idamay?!" inis na tanong ni Nycel kaya napaharap ako sa kanya.

May point siya.

"Nycel wala siyang kasalanan kung may taong nababaliw sa kanya. Tao lang din si Meir" pag tatanggol sakin ni MJ.

Tinignan niya kami isa isa tyaka tumaas sa kwarto niya.

Ayy kwarto pala namin.

"May point siya sa totoo lang" saad ko.

"Wala kang kasalanan okay?" niyapos ako ni Sophia pero di ko pa rin maalis sa utak ko yung sinabi ni Nycel.

"Susundan ko sila" sabi ko at tangka ng tumaas ng biglang nag salita si Fiona.

"San ka pupunta?"

"Sama kayo kung gusto niyong malaman" tumaas naman ako at pumunta sa kwarto namin.

Naramdaman ko naman presensya nila sa likod ko kaya napa ngisi ako.

Kinuha ko yung laptop ko at may kinonect na mic don.

Stinart ko na yung mic at tinest.

"Anong balak mong gawin Meir?" tanong sakin kay Shyl.

"Pupunta ako don" kinuha ko yung hoodie sa may closet ko at sinuot.

"Bat ka pupunta don?! Alam mo naman na delikado diba?!" panenermon sakin ni Sophia.

"Alam ko pero kilala ko yon si Charles" sabi ko.

"Charles?" sabay sabay nilang tanong.

"Oo yung master mind ng lahat ng to" dugtong ko.

"Alam kong ako lang ang gusto non at ako lang makaka pag tapos" tama naman sinabi ko. Di siya titigil hangga't di niya ko nakukuha.

"Buti alam mo" napa tungo ako ng sabihin yon ni Nycel.

Di ko naman siya masisisi kung biglang ganon ang turing niya sa akin eh. Kase tama naman siya sinasabi niya.

"Irecord niyo na lang lahat. Maririnig niyo naman ang nangyayari don" sabi ko sabay turo don sa mic ko na nilagay ko na sa bulsa.

Umalis na ako sa kwarto at lumabas ng bahay.

Narinig kong tinatawag ako ni Sophia pero di ko na pinansin.

Alam kong mahihirapan siya. Hindi naman kase siya sanay sa gantong sitwasyon.

Kinuha ko yung bike sa may garahe at pumunta don sa sinasabi ni Charles.

Alam ko yung lugar na yon kase don ang hide out nila.

Nakarating naman ako sa lugar na yon ng mabilis. Nakita ko yung sasakyan na ginamit nila Kuya. Dahan dahan kong binuksan yung malaking pinto ng building at nakinig kahit konti.

"Wala ka na bang ibang gusto? Pera? Ano?" tanong ni Kuya Yoongi.

"Pera? Madami na ko nan. Tyaka ilang beses ko bang sasabihin sa inyo si Meir lang ang gusto ko. Kung hindi niyo mabibigay alam niyo na mangyayari" narinig kong sabi ni Charles.

Lahat talaga gagawin ni Charles sa maduming paraan.

"Hindi mangyayari yan" narinig kong sabi ni Kuya.

"Di namin ibibigay sayo si Meir" sabi ni Jhope.

"Well alam niyo na" sabi ni Charles.

"Ako gusto mo?" nag tinginan silang lahat sakin. Kitang kita ko na gulat mga kaibigan ko ng makita nila ako dito.

"Meir" narinig kong bulong ni Kuya Namjoon.

Lumakad ako papalapit kila Charles ng biglang hinawakan ni Jimin kamay ko.

Inalis ko yon habang nakangiti sa kanya. Para sabihin sakanya na okay lang ako.

Nag lakad na ulit ako papalapit kay Charles na todo ang ngiti ngayon.

Eto talaga ang gusto niyang mangyari.

"Andito na ko wag mo na silang guluhin"



AN: Taehyung's fanfic is out! Check my acc.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon