Chapter 19: The Prince's Death

4.8K 343 14
                                    

Death (n.) - the action or fact of dying or being killed; the end of the life of a person.

Chapter 19: The Prince's Death

Hisu Country, West Side

"Welcome to Hisu country!" Isang masayang mga mamamayan ang bumati samin pagkapasok namin sa gate ng Hisu country. Hinahagisan nila kami ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak habang kinakanta ang kanilang national anthem.

Each people have a big smile on their face, the atmosphere is almost welcoming...almost, dahil napansin ko na masyado ata silang nasobrahan sa tuwa. Welcoming an Empress from a rival country is not something they should be happy at. Para bang may pumilit sakanila na batiin kami.

Tumingin ako kay Blaze at napansin ang mukha nyang hindi natutuwa sa nangyayare. Pinagilan ko ang tawa ko ng may lumapit sakanya na babae at walang sabing sinabitan sya ng mga bulaklak sa leeg. Isang masamang tingin mula kay Blaze lang ang kailangan para lumayo ang mga tao sakanya.

As for the Second Prince, simula nung sinamahan nya kami sa aming byahe papunta ng Hisu, maslalong naging tahimik si Blaze pati si Luna which is really surprising, lagi syang nakatingin sa second prince as if she was watching his moves. Kahit ang mga knights ko hindi mapakali sa second prince maski ako.

I understand that Blaze don't want some unwanted attention from the second prince dahil masyadong delikado pag nabuking ng pangalawang prinsepe ang plano namin, pero hindi ko maintindihan ang reaksyon ni Luna pati ng mga knights. I tried to ask Luna secretly about it and her answered was not what I am expecting.

"Your majesty, maintain a distance from the second prince as much as possible, this second prince is known for killing someone without any reason, he killed one of his maid dahil di sinasadyang tumingin ito sa mga mata nya, it's one of his rules not to look directly at his eyes and if you made a simple mistake, he will kill you without even explaining yourself. He is the favorite son of the Emperor kaya walang hirap na nakakatakas sya sa kanyang mga kasalanan. The Emperor thinks na inosente ang second prince dahil laging nagpapanggap ang second prince sa harap ng Emperor as a gentle and innocent man." Sumulyap si Luna saglit sa prinsepe bago yumuko at maspiniling tumingin sa sahig.

So, hindi aware ang Emperor sa mga kagagohan ng second prince? Wala man lang naglakas loob na magreport sa Emperor? Or baka hindi sila pinaniwalaan ng Emperor?

Napansin ko ang galit na expresyon sa mukha nya which surprised me a little bit. Kilala ko si Luna as a calm and composed person, to see her being angry at the second prince...

"Did you know him?" I asked her, but I immediately regret asking her.

"He killed my mother," mahinang sabi nya na halos pabulong na sa sobrang hina. I stopped walking because of this.

Napansin ng second prince ang biglang paghinto ko, he stopped his knights to look at my direction.

"Is there a problem your majesty? Hindi mo ba gusto ang pagbati nila sayo? Kung hindi mo nagustohan..." Tanong nya while he gestures to all the people who welcomed us.

"...then let me take care of it," he finished.

I noticed na biglang tumahimik ang paligid, lahat ng tao nakatingin sa prinsepe with a clear fear in their eyes. May isa pang nanay na nahimatay sa sobrang takot, The second prince clicked his tongue at this pero hindi nya inaalis ang kanyang atensyon sakin.

The Reincarnated Empress (ReverseHarem) | DISCONTINUEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon