Chapter 15

178K 3.9K 462
                                    


#15

Sarap kutusan ng tabachuy na 'yan! Porke nalaglag lahat ng taba sa katawan, nambu-bully na!
-
Andrew

Yasi

Humikab ako at nag-inat bago ako dumapa sa kama. Mag-isa ko dito sa kuwarto. Ang gagong Andrew gusto pang makitulog sa akin pero pinagalitan siya nila Tito Brandon.

Hinablot ko ang phone ko at tinawagan si Tatay Romualdo. Nasa kabilang inn sila na building. 'Yung para sa mga lalake.

"Hello anak," ngumiti ako pagkarinig sa boses ni Tatay.

" 'Tay! Kamusta na po? Ayos lang po ba tinutulugan niyo?" Baka kasi hindi siya kompurtable.

Natutuwa ako nang marinig ko ang pagtawa niya matapos kong matunugan ang boses ni Andrew. May joke atang sinabi ang gago kaya natawa si Tatay.

"Ah oo! Mabuti nga at si Andrew ang kasama ko dito sa isang kuwarto. Masyadong masiyahin ang batang ito," tawa niya.

Tumango ako kahit hindi niya kita. "Ano pa nga ba? E pinaglihi ang lokong iyan sa palaka kaya maingay at tawa ng tawa!" Tama naman! 'Yun ang kuwento ni Tita Monic! Palagi raw niyang gustong makakita ng iba't-ibang klaseng palaka noong pinagbubuntis niya si Andrew! Ayan tuloy, kokak ng kokak ang gago!

"Hoy taba! Naririnig kita!" I heard Andrew's voice on the line. Naka-loud speaker kasi si Tatay.

"Tse!" Irap ko lang. "Buti at maayos ka riyan 'tay. Baka kasi ulit namamahay ang puwet mo," tudyo ko sa kanya ngunit tumawala lang siya.

"Anak naman, staying strong ang puwet ng tatay mo," he said. I chuckled.

"Masyadong late na. Matulog ka na 'nak. Gising ka ng maaga bukas para mag-jogging tayo," naks naman! Kahit tumatanda na, ayaw pa rin paawat ng muscles ni Tatay!

I smiled. "Sige po! Gisingin kayo ng bunganga ni Andrew bukas. Siya alarm niyo," saad ko.

"Naririnig pa rin kita!" Sigaw ulit ni Andrew sa linya.

Tumawa lang ako. "Takpan mo kasi!" Untag ko sa kanya pero sinabihan lang ulit akong mataba! Kasama kasi niya si Tatay kaya hindi niya ako mamura-mura!

I grinned mischievously. "Goodnight na po. Tulog na rin po kayo, 'tay. Tsaka ikaw 'tol, kung naririnig mo 'ko. Sana magising ka pa bukas kung hindi ka man babangungutin ng mga naging ex mo!" Parang demonyong halakhak ko.

"Yasmin hoyy!" Sikmat ni Andrew.

Tumawa rin si Tatay. "Nako kayong mga bata kayo. Sige na 'nak. Gudnight rin,"

"Labyu 'tay!" Pasingit ko tsaka na pinatay ang tawag.

Muli akong humikab at tumitig sa kisame. Tapos na akong maligo. Tinuyo ko na rin ang buhok ko gamit 'yung ano nga ulit tawag 'dun.. blower? Yun! Nag-toothbrush na rin ako. Handa na akong matulog suot ang lawlaw na damit ko at pajama.

Ngumuso ako nang maalala na nasa iisang kuwarto pala sina Reeve at Carla. Naka-assign sila na magsama.

"Hays Yasi! Huwag kang OA. Wala kang karapatang masaktan dahil ikaw ang may gusto ng ganito," bulong ko. May sariling isip si Reeve pero kinokontrol ko siya. shet ka Yasi!

Napapikit ako dahil nanunubig ang mga mata ko. "Kahit ulit-ulitin kong itanong ito sa hangin, hindi ako magsasawa. Bakit? Bakit nahulog ako sa kaya kung hindi naman puwedeng maging kami? Bakit kailangang may pader sa pagitan namin?" Tinangay ng hangin ang mga hinanakit ko.

His Personal Mistress✔️[18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon