Chapter 9

22.6K 613 144
                                    



Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Survey, at kunwaring may kinakalikot sa phone ko, sinabi ko ang address ng bahay ni Cj para hindi niya malaman kung saan ang totoong bahay ko. Tinext ko naman si CJ na pupunta ako sa bahay niya, kaya ok lang. Mas mabuti na yung sigurado kesa sa hindi. 

Tahimik lang siyang nagdadrive buti na lang at ganon dahil hindi ko 'rin alam sasabihin ko kung tatanungin niya ako ulit, kung bakit ko siya tinatakasa-----, natigilan ako sa pagiisip ng bigla siyang nagsalita.

"Why are you avoiding me, Milk?" he gently asked, kakasabi ko lang eh, "Ano kasi... Busy lang sa work," tugon ko at ngumiti habang nakatanaw sa bintana. 

"That's not an acceptable reason," he frustratedly mumbled while he was still busy driving, but I heard it loud and clear. 

Isip Cherry, kailangan mo ng palusot. "Ano kasi ganto para malinaw tayo diba sinabi kona sayo kung bakit ako nawala for 2 years at ngayon busy lang talaga ako sa work tyaka ano ahmmmm yong....." shit isip Cherry.

"Tyaka ano yung boyfriend ko, ahm ano seloso hehehe," gusto kong sampalin ang sarili ko pero wala eh, iyon na lang talaga kinaya ng utak ko eh.

"Boyfriend?" tumingin siya saglit sa akin at binalik niya din ito sa daan.

"Oo alam mo na masyado kong mahal eh, ayaw ko mastress kakaselos, ayaw niya kasi ng hindi ako focus sa work at sa kanya hehe," ano ba namang dahilan iyan Cherry!

"So, he's the father of your son?" he seriously asked, shit lang talaga.

"Ahhh oo, ano pano mo nalamang may anak na ako?" I asked. 

"I've call at your office after you left my office, and they said that your son is in the hospital," he said, tumango nalamang ako, at hindi ko na kasi talaga alam sasabihin ko sa kanya.

Nagulat na lang ako ng tinigil niya ang sasakyan niya sa tabi ng kalsada, nag hazard muna siya. Napatingin ako sa kanya dahil doon, teka bakit siya tumigil.

"I'm disappointed, Milk," kapos hininga nitong sambit,  habang ako ay tuluyang kinapos ng hangin sa katawan dahil sa sinabi niya, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"I'm your best friend, but you choose to live a life without me. You already have your son now, without me even knowing it, I should be at your side as your best friend but you choose to cut our connections," he said out of frustrations.

Hindi nagsisink in sa akin ang sinabi niya, pero parang may kumurot sa puso ko.

"I'm your best friend but you choose to live a life without me," kasi you choose her. "I should be by your side as your best friend," ilang ulit itong nag reply sa isipan ko, at sinasagot ko 'rin naman ito ng paulit-ulit.

Paano ayaw naman kitang maging bestfriend lang, gustong-gusto kong sabihin iyon sa kanya pero hindi ko magawa, umiwas ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

"Ano, ahm sorry na," iyon na lang nasabi ko.

"I want us to go back to what we are back then, Milk," he seriously said, looking straight into my eyes. Paano kung ayaw ko nang balikan yung sakit dulot noong nakaraan Survey?

Ayaw ko nang balikan ang pagsisisi ko na hindi ko inamin ang nararamdaman ko sayo. Lalo lang akong magagalit sa sarili ko, Ok na ako ngayon.

*ring*

My phone rang it was Cj calling.

"Hello," sambit ko. "Nasaan ka na ba?  Akala ko ba punta ka dito sa bahay, bilisan mo na hahatid pa kita pauwi sa bahay mo," sagot ni Cj mula sa kabilang linya. "Ok, on my way," I said, and ended the call, I look at Survey, na ngayon nakatingin na sa daanan na may seryosong mukha.

OVERLY CRUEL(Purely Unedited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon