Chapter 35

24.8K 1.1K 462
                                    

Samantha

"Ano na naman ba 'to, Sammie? Sarap mong sapakin sa totoo lang. Geez!"

"Akitin ko na lang si Carmi. Gusto mo?"

Masama ang loob na bumaba ng kotse si Van. Syempre, sya lang ang pwede kong asahan na bumili ng properties na pinagtatayuan ng bahay nila Terry.

Deym! Palalayasin ko lahat ng nakatira dyan para maging kapitbahay nya ako. Ewan ko na lang talaga!

"Paano na yung mga nakatira dyan, Sam?" Tanong ni Leigh na dakilang driver namin ni Van. Si Vanilla naman ay kinakausap na yung may-ari ng lupa at mga paupahan. I told her that I'll buy this property at any amount. She just had to do the negotiation para hindi halata. Since they are one of the leading real estates, Terry won't suspect anything amiss. Though, obvious naman yung rason.

Bahala sya. Atleast may lusot ako.

"I told Van to offer them a good deal. Kahit relocation somewhere not far and give them a good housing deal. Basta maconvince lang sila na umalis dyan."

"Tsk. You're out of your mind, Sam."

"Wait until you fall in love, Leigh. You'll do worst." Inis na sabi ko habang nakatingin kay Van na pinagpyepyestahan ng mga tao doon na para bang nakakita ng artista.

Paano pa kaya kung si Leigh yung bumaba doon? Baka dinumog na ito.

"I won't be like you, Sammie. At least ako I know my limits. I won't crawl sa taong hindi ako gusto. Bakit ba kasi ikaw na lang lagi ang naghahabol dyan kay Terry?"

"Mark my words, Leigh. I'll laugh at you pag ikaw na yung nasa posisyon ko."

Tumawa lang ito. "Deal. I'll bet my customized Lotus if that thing happens."

Umingos lang ako. She's too confident. Pati one of her favorite cars ay isusugal pa nito.

"Ang taray ni Terry no? Samantha Callaghan na yung naghahabol sa kanya. Tumatanggi pa sya."

"Well, she's Terry Alcatraz. She has all the rights."

Umangat ang kilay nito na sinulyapan pa ako as if waiting why is that. There's a lot of reason to define Terry. But there's only one thing that I could think of.

"She's Samantha Callaghan's downfall. Just like the Helen of Troy. She's my doomsday. So don't you dare say that she is just 'Terry'."

Napanganga doon si Leigh. Halatang hindi in-expect yung sinabi ko.

"Goodness, Sam. You're really scaring me. Swear to the Greek gods and goddesses, I won't fall that hard."

Natawa naman ako ng katukin pa nito yung tinted na salamin ng sasakyan nito. An old way of knocking on glass. Pag maganda daw talaga sa glass hindi sa wood.

Ilang sandali lang ay bumalik na si Van ng sasakyan.

"Nakuha mo na?" Tanong ni Leigh kay Van.

Si Van naman ay inabot sakin yung mga papeles.

Yas! Finally!

"Draft pa lang yan. I'll have our lawyers to do the Transfer of ownership and to have the Deed of Sale notarized. But atleast may sign na. Give them a month para makapaglipat."

"One month?" Takang tanong ko. Akala ko bukas na sila aalis agad.

"Of course. Mabilis na yun, Sammie. Ano ka ba? Alangan naman biglain ang pagpapaalis sa kanila? Makakasuhan tayo nyan. Atleast let the landlord give a notice to their tenants."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon