Chapter 17

180K 4K 752
                                    



dahil may nag-pm at naglambing na mag-update na raw ako, pagbibigyan ko na. Haba ng message mo, love haha. Shout out sa'yo @magnetabrooke .


konting oras lang pala ang natitira para makasama ko siya. Sana all hindi iniiwan.

Yasmin

Reeve

Playing the part of hide and seek in order to not get caught was out of my intentions. Walang madali sa ginagawa namin ni Yasi. Ito na nga ba talaga? Ganito na lang ba palagi? Is this really the choice I have chosen? Ang itago ang pagmamahal ko sa kanya? Kasi kung oo, putangina ayoko ng ganito!

I was supposed to fly back to the states the day after Kuya Ken's wedding, but I called my agency and asked for extention. They gave me a maximum of five days to finish my errands here, expecting me to be there on the due date.

I turned my phone off when some unknown number was calling me. It was probably a woman since the number keeps on texting some fucking words about wanting to meet me, admiring me and all that shit. Where the hell did she got my number?

"Napagod ako sa kakagawa ng plates ko. Ang haba pa ng discussion ni Sir Lostando na siyang last subject namin. Pakiramdam ko napagod mga kamay ko at lahat ng brain cells ko," pagsusumbong sa akin ni Yasmin.

When I look at her, all I want to do is surrender myself to danger and show her to the world. That instead of secretly seeing each other, hiding in the dark areas of the house, sticking to the corners, I want to profess how deeply I'm in love with her. The grave of my thirst and passion for her has great depth. Kahit sino ay hindi mahuhukay iyon dahil nakabaon na sa kanya ang lahat ng pagmamahal kong naipon para sa kanya mula pa noong bata ako.

My hands were itching to pull her body close to me and cuddle with her. What's stopping me is the people walking around the house. Baka kahit sino kila Andrew ay papasok dito sa sala at mahuli kami.

As much as I wanted to fetch her from school awhile ago, I just let Andrew do the work since they stay on the same school and planned to come here. Another agenda is to wash off the allegations which my mother is keenly observing. Often times, I find her staring at me and Yasmin when we're talking. She acts pretty hysterical. Alam kong may nahahalata na siya pero ayaw niya lang tanggapin.

Well, fuck! Sana nga mahalata na niya. Ilang beses ko nang tinangkang ipahalata sa kanya. But she seems to deny it more and more, not accepting what she's noticing.

"You're a dean's lister, right?"

Tumango siya. "Oo. Gusto ko kasing mag-aral ng mabuti para na rin sa kinabukasan namin ni Tatay. Jeepney driver lang si Tatay Romualdo pero ang laki na ng ambag niya sa pagpapalaki sa akin. Hindi ako magiging si Yasi kung hindi sa kanya. Kahit nahihirapan na siya sa pagtatrabaho dahil sa edad niya, hindi siya sumusuko. Lalo pa niyang hinahamak pasukin ang ilang side lines," she's both hurt and proud.

"Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sa mga magulang mo dahil sila ang nagpapa-aral sa akin. Binibigyan nila ako ng allowance kahit sapat na 'yung bayaran nila ang tuition ko. Sobra sobra na ang ginawa nila Tito Brandon na tulong sa amin ni Tatay," my heart melted at her soft smile.

"Alam mo ba kung bakit ko gustong maging architect? Kasi bata pa lang ako, pangarap na ni tatay na magpatayo ng bahay para sa aming dalawa. Ngunit problemado siya dahil hindi niya mailarawan ang ayos ng bahay na nasa isip niya, na gusto niya. Kaya sinabi ko sa sarili ko na paglaki ko, ako ang maglalarawan para sa kanya. I want to design that beautiful house for him. 'Yung bahay na alam kong pinapangarap niya noon pa. At susubukan kong mag-aral ng mabuti at makatapos ng may medalya. Hahamakin ko ang lahat para maging isang mahusay na architect para kapag naka-ipon ako, ipapagawa ko na ang bahay na gusto ni Tatay. Kapag may pera na ako, hindi ko na siya pagtatrabahuin," the determination in her voice made me more proud of her. May plano na siya sa buhay. And that is important in one's life... to have direction in life.

His Personal Mistress✔️[18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon