Chapter 36

23.6K 1K 581
                                    

Terry

"Sam." I nudge her side.

Ang tahimik nya. Hindi sya nang-iinis. Tahimik lang na nakasubsob yung ulo nya sa unan at nakahiga ng padapa.

She looks like sleeping. Pero alam ko naman na gising sya. Is she thinking about what happened? Is she thinking if is this right or wrong? Did I fit her perfection?

C'mon, Sam. Don't kill me with your silence.

"Hmm?" nagmulat sya ng mata at tumingin sa akin.

"Okay ka lang?" Hindi ko mapigilan ang itanong habang sinasalubong yung tingin nya.

Nakakainis. Ako dapat ang upper dito e. Bakit tinutunaw na naman ako ng kulay tsokolateng mga mata nito?

Pero nawala lahat ng reklamo ko when I was rewarded with that sexy smile. Her signature one kapag nang aakit. Masyadong epektib.

Damn, Sam! Don't look at me like that. It's making my guards and walls all down.

"Nagugutom na ko. Bumangon ka na at magluto doon."

"Ikaw na." Angal nito. "I just want to lay and sleep here."

Talaga nga namang hinapit pa nito yung unan at lalong isinubsob yung mukha doon.

Inis na hinampas ko tuloy sya sa braso. Masakit ang katawan ko ngayon dahil pinagbigyan ko sya. Kaya dapat lang na pagsilbihan nya ako.

"Bumangon ka na nga kasi!" Naiinis na hinatak naman ako nito. Lagi na lang ako yung dehado.

Tsk! I shouldn't have back out on our first kiss. Ginagawa akong alipin nitong isa e.

"I'm the upper hand, Terry. How many times do I have to tell you that?"

"Kapal ng mukha mo, Sam. Mas malakas ka umungol kesa sa akin no. You're not the upper hand. Ako."

There I got her. Namumula ba sya?

Well, mukhang namumula nga talaga sya.

"Hindi aa." Deny pa nito.

Lihim naman akong napangiti. A blushing Samantha Callaghan is so damn cute.

"You do. Kung nairecord ko lang edi sana may ebidensya akong pangsampal sayo."

Naiiling naman ito. Saka nang iinis na niyakap ako ulit palapit dito.

"How about we check again instead?"

No. No, Terry. Hindi pwede. Tama naman na yung isang beses na pagiging marupok mo, jusko. Lumalaban tayo dyan di ba? Resistance naman, aba!

Mabilis ko naman syang itinulak sa braso nang magsimula na naman ito.

"Ouch!" Nakasimangot na angal nito habang hawak yung nasaktang braso.

"Wag mo kong inuuto. Bumangon ka doon at magluto!" Inis na sabi ko sa kanya. Dapat lang na matuto syang mag give in din paminsan minsan.

Wait, medyo makapal yata yung mukha mo, Terry. Parang lagi ka ngang pinagsisilbihan ni Samantha. Sya lagi ang nagluluto ng pagkain, driver mo, tagabitbit ng mga shinopping nyo. Pati paghuhugas ng plato at pagtimpla ng kape.

Heck! Hindi ako aamin. Basta ako dapat masunod ngayon.

Ito naman ay napasimangot na talaga.

"I hate your bed here, Terry. Gosh! I can't believe you got me in this wooden bed. Ni wala ka man lang kutson." Angal pa nito. "Urgh! My body aches. Tapos uutusan mo pa ko."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon