Kabanata 26

27.4K 911 130
                                    

Limang araw na nung umalis ako sa infirmary at ngayon ay kakaligo ko lang dahil may pupuntahan ako.

" Nassandra?" Napalingon ako kila Nathan, Ema at Jane na nakatingin sa akin. Sinara ko yung pinto ng maid's quarters at lumapit sa kanila.

" Saan ka pupunta?" Nahalata siguro nila dahil sa suot kong damit at dala kong bag. Ngumiti ako.

" Day off ko ngayon eh. Magb-bonding with family" nagpumilit kasi si Brylle na lumabas kami ngayong araw. Baka kasi kapag hindi ko pa pinagbigyan ay baka maulit yung nangyari na umiyak siya nang matagal. Tsaka matagal na din kaming hindi nagkikita nang personal. Puro video chat lang.

Tinanong ko si Keian kahapon kung pwede akong gumala ngayon at pumayag naman siya.

Tumingin siya sa akin mula sa papel na hawak niya. Iba ang itsura niya ngayon lalo na't may suot itong salamin. Mas... gumwapo.

Ay! Ano ba iyan Nassandra.

" Okay, just bring Nic with you" kumunot naman ang noo ko.

" Bakit ko pa kailangan kasama si Zeke? Kaya ko naman nang magisa" May blangko siyang mukhang bumalik sa papel ang tingin. Lagi niya nalang iyon ginagawa.

" You will bring him with you or you won't be able to go out of my property" malamig niyang sabi. Tumaas ang tingin ko sa direksyon niya. Bumuntong hininga siya tsaka tumingin ulit sa akin.

" I can't go with you because I have work" tumingin naman ako sa kanyang hindi makapaniwala.

" Inaaya ba kita?"

" If I can just go with you, I'll go with you. Whether you like it or not. Baka may masamang mangyari na naman sa iyo, katulad nung sa dating kwarto ni manang and I can't risk losing my maid. So baby, please." His expression softened and wala akong nagawa kung hindi ang mamula dahil sa pagtawag niya sa akin ng 'baby'

" O-okay" nauutal kong sabi.

" Owww. Nassandra, pwede uwian mo ako ng pagkain?" Kumikislap ang matang sabi ni Jane. Marahan akong tumawa tsaka tumango.

" Ano ba gusto mo?"

" Gummy bears!" Cute na sabi nito. Siniko naman siya ni Ema.

" Grabe ka Jane, wala ka talagang hiya" anito. Tinignan siya nang masama ni Jane.

" Bakit ba? Sige daw eh!" Inis na sabi niya.

" Okay lang. Ema, Nathan, may gusto din ba kayo?" Nagkatinginan silang dalawa at biglang namula. Huh? Ano meron? Napansin iyon ni Jane at kumapit sa braso ko.

" Nako Nassandra, ang isa't isa ang gusto nila. Ayiiieee!" Tukso nito at parehas na tumingin sa kanya nang masama ang dalawa.

" Jane!" Sabay kaming natawa ni Jane.

" Okayyy, may gusto ba kayong iuwi ko para sa inyo?" Paguulit ko ng tanong nang nakangisi. Sabay silang bumuntong hininga at tumango.

-----------

Hininto ni Zeke ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Nagngitian muna kami bago ako ang unang bumaba.

" Mama!" Napangiti ako sa tumatakbong Brylle papalapit sa akin. Bumaba ako kapantay niya at sinalubong ang yakap niya.

" Brylle!" Mahigpit ko siyang hinawakan. Na miss ko siya nang sobra.

" Naku, Nassandra. Kahapon pa iyan excited na excited makita ka" tumingin ako kay Tiya na kasama si William!?

Binuhat ko si Brylle at lumapit sa kanilang dalawa na magkahawak kamay pa.

" Ano meron?" Ngumiti sila at nagyakap. Nahulog naman ang panga ko.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon