31

16.4K 444 23
                                    

Her POV

"Oh, Vera. Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni papa sa akin ng makita ako nitong lumabas ng kwarto ko. Nakabihis na rin kasi ako eh.

"Ah, sa bahay lang po ni Jethro, pa." tumaas naman ang kilay nito sa narinig niya. Nandito pa ito ngayon sa bahay kasi mamaya pa ang duty nito.

Napatayo naman siya. "At anong gagawin mo sa bahay nila ha?"

Baka iba pa ang isipin ni papa kaya kailangan kong magpaliwanang ng maayos. "Kasi naman pa sa mga nakikita mo sa akin these days ay medyo ginaganahan na akong mag-aral diba?"

"Oo nga nakikita ko rin iyon."

"Kaya tutulungan lang daw po ako ni Jethro mag-aral, pa. Alam mo naman matalino iyong president namin." at nginitian ko siya.

Ngumiti naman si papa. "Talaga lang ha."

"Oo nga po." nakapag paalam na rin naman ako kagabi kay Eula na hindi ko siya makakasama ngayon kasi. Mabuti na lang at pumayag naman siya.

Napatayo naman si papa at uminim ito ng kape niya. "Sa nakikita ko ngayon sayo ay mukhang mabuti naman ang naiidudulot ng manliligaw mo na 'yan ah! Isipin mo, ginaganahan ka ng mag-aral ngayon ng dahil sa kanya." sabay ngisi ni papa.

Kung alam mo lang ang tunay na dahilan.

"Hindi naman."

"Asus, gusto ko na talaga ang batang 'yan, Vera! Sagutin muna kaya! Isipin mo ang pogi na tapos ang talino pa! At higit sa lahat mabait pa." sabi ni papa. Halatang approved na talaga si Jethro sa kanya. Paano ba naman kasi, palaging may pasalubong sa kanya si Jethro na kami kapag hinahatid niya ako pauwi dito sa bahay.

"Papa, naman eh."

Nginisihan niya lang ako. "Kailan mo ba siya balak na sagutin? Mukhang seryoso talaga sayo iyong bata na iyon. Akalain mo hatid sundo ka pa nun minsan." sabi nito.

Napaisip naman ako sa tanong ni papa sa akin.

So, kailan nga? Alam kong matagal na siyang nanliligaw sa akin pero hindi ko alam kong kailan ko siya sasagutin.

Napayuko na lang ako. "Hindi ko pa kasi alam, pa."

"Nako, sagutin muna!" tukso niya pa ni papa sa akin.

Binitbit ko na lang ang dala kong libro. "Wag niyo nga akong pilitin pa, baka kasi pumayag ako eh." biro ko sa kanya.

Naglakad na ako papuntang sala at sinundan niya naman ako. "Sagutin mo na kasi." see, he's very supportive.

"Soon." when I will be finally ready.

Papa smiled at me. "At sana kapag sinagot mo na si Jethro ay makita muna ang kaligayahan mo, anak. Kasi iyan ang gusto ng mama mo para sayo." bigla na lang akong napangiti sa sinabi sa akin ni papa.

I know how much he loves me, and how much she loves mama. At alam ko gagawin niya ang lahat para mapasaya ako lalo na't wala na si mama.

"I know, pa. At sana masaya rin si mama para sa atin ngayon." sabi ko dito.

Niyakap naman ako ni papa. "She is, anak. Alam ko iyon." at muntik pa nga kaming maiyak na dalawa pagkatapos naming mapag-usapan si mama.

"Oh, siya sige na. Umalis kana kina Jethro para makauwi ka ng maaga mamaya." sabi niya.

I nodded. "Opo." ngumiti naman ito. Kaya lumabas na ako ng bahay at nagbantay na ng tricycle.

Hihintayin na lang daw ako ni Jethro sa bahay nila. Kaya mag c-commute na lang ako ngayon.

Nang makasakay na ako sa tricycle ay tinext ko na agad ito na papunta na ako sa bahay nila at ang haba naman ng reply niya sakin.

[ok]

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon