Chapter 37

22.4K 985 112
                                    

Samantha

I love Terry. I'm sure of it. But having intimacy is just isn't my cup of tea. But still, I'd rather do it with her than to lose her.

Pakiramdam ko ay tatrangkasuhin yata ako. Ang bigat ng ulo ko at masakit yung katawan ko. Terry isn't the gentle type. Kung gaano ako kagentle sa kanya, ganoon din sya kabrusko sakin. But I'm not complaining. Di ba ganun naman talaga? You have to see the light in everything. If that's Terry in bed, it doesn't make me love her less.

"Sam, are you sure okay ka lang?" Nag aalalang tanong nito habang nag iigib kami ng tubig dito sa poso sa likod bahay.

Nakakatawa na may dala dala pa syang flashlight gayung napakaliwanag naman ng buwan at mga bituin. Yung malamig na dampi ng hanging panggabi ay nanunuot sa suot kong plain na shirt.

Parang tatrangkasuhin talaga ako. Sumasakit na yung ulo ko. I mentally note myself to drink med pagkauwi. Tutal nakakain naman na kami ng hapunan.

"Don't worry, I'm fine." Nakangiting binuhat ko na yung timba na puno ng tubig. It's not that heavy. Pero dahil masakit nga yung katawan ko, parang dumoble yata yung supposed weight niyon.

"Kahit mga apat na timba lang, Sam." Sabi ni Terry habang may bitbit din itong isang timba na puno din ng tubig.

Sa pandak nito, nakakapagtaka na ang lakas ng core muscles nito. Halatang nasanay ito sa mga ganitong gawain.

"Sam.."

"Yas."

Bakit kaya lagi syang pasuspense magsalita? Pwede naman diretsuhin nya na lang ako agad sa sasabihin nya.

"Am I hurting you?"

Natigilan naman ako. Muntik ko nang mabitawan yung hawak kong timba. Buti na lang mahigpit yung kapit ko.

"No, hindi naman. Bakit mo natanong?"

"Hmm. Kasi alam ko pag hindi ka okay?"

"Okay lang ako. Ano ka ba?" Tumawa pa ako. Pero nauwi iyon sa mahinang pag-ubo dahil sa panggabing hangin na sobrang ginaw.

"You're not lying when you told me that I'm making you sick, right?"

Nandoon na kami sa tapat ng pinto. Sa tulong ng liwanag ng buwan, kitang kita ko yung emosyon ni Terry. This time, hindi na kagaya ng dati. Ngayon ay open na ito. Ipinapakita na talaga nito yung nararamdaman nito. Yung takot, yung pangamba, yung pag aalala. Yung pagmamahal nya na akala ko napaka imposible na.

"Was it about sa nangyari satin? Napilitan ka lang ba para masabi mo sa sarili mo na binigay mo na lahat?"

Mabilis naman akong umiling.

"You're getting it wrong, Terry. It isn't you. Hindi lang ako sanay. Nakikibagay pa yung katawan ko."

"Tell me that you're not lying, Sam. I want you to be honest."

"Pero totoo naman yung sinasabi k—"

"Alam mo ba kung bakit lagi kitang tinatanggihan?" She cut me off. Yung timba ay ibinaba nito sa patio ng pintuan. "Kasi nalilito ako sayo. May pagkakataon na akala ko naiintindihan na kita pero hindi pala. Yung akala ko totoo ka, pero ilusyon ka lang. Kung gusto mo talaga ako, you'll stop pretending to be nice."

There she got me. Lahat naman ng pinapakita ko sa kanya ay yung totoong ako. Pero lagi nyang Nami-misinterpret.

Gaya na lang kanina. Nag-initiate sya na may mangyari ulit sa amin pero I declined her in a very polite manner. Hindi ko naman sinabi sa kanya na ayoko. Ang sinabi ko lang masakit yung katawan ko. Geez!

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon