Bloody VIII - Face your Fate

8.4K 353 62
                                    

Sheerina

Ngayong kinse nalang kami, may limang matatanggal at may sampong makakapasok.

Yung tension, lalong dumagdag.

Yung kaba, lalong bumilis.

Yung oras, lalong bumagal.

Ngayon ay magkakalayo kami pero nakapaikot na parang orasan.

Nagtitinginan lang kaming lahat, hinihintay kung sino ang unang aatake.

Tinignan ko si Meridette, halatang pagod na sya pero nakangisi pa rin.

Si Nasqued naman ay mukhang tutumba na.

Habang si Sick ay walang emosyong nakatingin sa gitna.

Maging si Ashton. Parehas silang pawisan na pero alam kong walang magpapatalo sakanila.

"Anong gagawin natin Sheerina?" Kinakabahang tanong sakin ni Nasqued.

"Maghihintay tayo ng unang susugod." Kinakabahan din na sabi ko. Pinakiramdaman ko ang paligid, at sa tingin ko ay pare-parehas lang kami ng iniintay.

"Pero hindi tayo makakapuntos kung hindi tayo susugod." Sabi ni Nasqued dahilan para mapatingin ako sakanya.

Ngayon ay tumatakbo na sya patungo kay Meridette!

"Nasqued!" Sigaw ko at tumakbo papunta sakanya!

Pero huli na ang lahat..

Bago pa sya makalapit kay Meridette, pinalibutan na sya ng mga uwak at biglang naghalo.

"Aaaah!" Ang kahuli-hulihang tinig nya na narinig ko.

"Nasqued!" Napasigaw ako at doon na sila naglusuban!

"Hahaha, walang magagawa ang pag-atungal mo-" Hindi natapos ni Meridette ang sasabihin nya ng bigla syang umitsa.

Na-nasqued...

Napaluhod ako at napapikit.

Ngunit sa pagdilat ko, nasa ibang lugar na ko.

Anong nangyari sa laban?

"Alagaan mong mabuti ang anak ko..." Boses ng isang babae.

Agad akong tumakbo at nandito ngayon ako sa gubat.

Patuloy ko pa ring hinahanap ang boses na iyon.

"Umalis na kayo!" Sigaw pa nya.

Nasan ka ba?!

"Oo, oo!" Sigaw ni Tita.

Nasan na ba kayo?!

"Aray! Ah!" Rinig kong sigaw nung babae. Ano bang nangyayari sakanya?!

Nasan ba sya?!

Nagulat ako ng biglang lumiwanag at nandito na ulit ako sa battlefield.

A-anong nangyari?

"Daemon! Bakit ang walang laban ang pinipitas mo?!" Sigaw ng boses at bigla itong lumitaw.

Si Veruca. Ang babaeng nagiinvisible.

"Kung ganon, ihanda mo ang sarili mo sa matinding ilusyon na dala ng nakaraan!" Sigaw nung Daemon at napaluhod si Veruca!

Tumayo na ko at haharapin ko sana si Meridette ng may humarang saking lion!

Si Carmilla.

Tumingin ito saakin at mabilis na tumalon!

Napahiga ako sa lupa! Nakapatong ngayon ang lion sa akin at ako ang nasa baba!

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon