CHAPTER 36

840K 32.7K 69.6K
                                    


CHAPTER 36

"MAXWELL!" HINDI ko napigilan ang sarili kong habulin siya. Ngunit sumara na ang elevator na sinakyan niya.

Dali-dali kong tinakbo ang kabila at halos masira ko ang mga buton niyon sa kapipindot para lang maabutan siya. Binalewala ko ang mga taong napuno ng pagtataka mataopos akong makitang nagtatatakbo.

Nang makalabas sa building ay saka ko lang napagtantong wala nang sapin ang aking paa. Hindi ko inda ang mga tipak ng batong matapakan ko mahabol lang siya bago mapaandar ang sasakyan niya.

"Maxwell please! Please!" Pinigilan ko siyang isara ang pinto ng sasakyan niya. "Please..." paulit-ulit na lang ang pakiusap ko. "Please, pakinggan mo muna ako."

Rumehistro ang galit sa mga mata niya nang makitang walang sapin ang paa ko. Ngunit awtomatiko siyang nag-iwas ng tingin.

"Get in," aniya.

Nabuhayan ako ng loob at saka dali-daling sumakay. Pero nang sandaling magkaharap kami ay hindi ko na naman alam ang sasabihin. Lumuluha ko lang siyang tinitigan. Isa-isa kong nakikita ang lahat ng mawawala sa 'kin kung hindi ko siya kakausapin.

"Maxwell..." sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit awtomatiko niya iyong binawi. "Maxwell, please..."

"Please, just...talk, Yaz." Sinapo niya ng mga daliri ang noo at diniinan ang mga mata.

"You don't mean it, right? What you've just...said, you don't mean it, right?"umiiyak, umaasang sabi ko.

Nakita ko nang kumibot-kibot ang mga labi niya at bago pa man siya makapagsalita ay magkakasunod nang luha ang pumatak mula sa mga mata niya.

Umiling siya nang umiling. "No," iyon lang ang sinabi niya ngunit gumaralgal pa. "But it fucking hurts, Yaz. What you did...hurts."

"I'm sorry," lumuluha kong sabi. "I was not expecting na darating si Maxrill doon."

Pinigilan kong gumaralgal, pumiyok o humikbi. Ayaw kong isipin niyang nagpapaawa lang ako at gusto kong maintindihan niya ang paliwanag ko.

"Bakit hindi ka dumating?" tiningnan ko siya nang deretso.

"There's an emergency," mapait siyang ngumiti, ang paningin ay nasa manibela.

"Hindi mo man lang masagot ang tawag ko," umiiling kong sinabi. "Or kahit text man lang, Maxwell."

Lumingon siya sa 'kin at saka tumawa nang pagkapait-pait. "Inside the operating room, really? Ni hindi nga ako makalingon sa katabi ko, sasagot pa 'ko ng tawag?"malungkot niyang ipinahayag ang sarkasmo at kailangan ko iyong intindihin.

Sa sandaling nasa operating room na ang medical team, nasa ere na lang ang kamay, bawal ibaba, i-extend, i-flex o kung ano-ano pa. Walang ibang hahawakan bukod sa pasyente at mga gamit. Ang lahat ng kilos ay limitado.

Sa linya ni Maxwell, dahil kapos sa tao, may mga sandali talagang lumalabas lang siya ng operating room para mag-surgical scrub at magpalit ng protective equipments. Madalas ay literal na magkakasunod ang pasyente niya. Dahil sa dami ng isla sa Palawan, ospital niya lang ang kompleto sa gamit.

Tumango-tango ako. "Oo nga pala, gano'n kahirap manlimos ng oras mo."

Tiim-bagang niya akong nilingon. "Yes,"mapait siyang ngumiti. "Dahil buhay ng tao ang kalaban mo, Yaz." 'Ayun na naman ang pamumula ng mga mata niya na parang maluluha na. "'Yong sandaling iniiyakan mo kahihintay sa 'kin, ipinagmamakaawa ng iba para sa buhay nila."

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon