Chapter 22

146K 5.2K 827
                                    



#22

Sa larangan ng pag-ibig, hindi lang pala tao at katotohanan ang kalaban ko, pati rin pala oras at trabaho niya.
-
Yasmin

Yasi
Isang malakas na sampal ang ibinungad sa akin ni Tita Monic nang puntahan ko siya sa kuwarto niya.

"After all what I did to you, this is how you repay me?!"

Hindi ako nakasagot. Pinatawag ako ni Tita Monic kanina. Wala pa ang sikat ng araw ngunit ginising ako ni Ate Phoebe dahil ako raw ang unang hinanap ni Tita pagkagising niya. Ate Phoebe looked worried for me but I assured her that I am fine.

"Labis kitang minahal na parang sarili kong anak, Yasmin. Tinuring kitang anak ko. Papaano niyo nagawa ni Reeve iyon? Both of you could have someone else in your lives! Both of you can have your own lovers! Bakit kailangang..." she looked at me with complete disbelief. "Why did you both have to make things so complicated? You're blood related Yasmin. Alam na alam mo iyan!"

Muling bumagsak sa pisngi ko ang palad ni Tita Monic. Namanhid ang pakiramdam ko.

"I'm sorry po," napagtanto kong nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pamumuo ng mga luha.

"Sorry for what?! For having an affair with your own cousin?!"

I swallowed the lump in my throat. Panahon na para harapin ko ang mga kinahihinatnan ng gulong pinasok ko.

"Pasensya po Tita dahil nahulog ang loob ko sa anak niyo"

"He's your cousin! Nananalatay ang dugo niya sa dugo mo!"

Napatingala ako. Kagabi ko pa inisip kung ano ang sasabihin ko kay Tita kapag mag-uusap kami. Ngunit lahat ng itinatak ko sa isip ko, lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, walang kahit na anong gustong lumabas sa bibig ko sa puntong ito.

Reeve slept with me the whole night. I know that he was ready to face everyone. He had no intention of backing out. He cuddled me in his arms and held me so tight as if he was afraid I would disappear in no time. Bawat halik niya, bawat yakap niya at mga salita, ipinadama sa akin ni Reeve kung gaano kalalim ang pagmamahal niya para sa akin. At kung siya ay kayang isigaw sa mundo kung gaano niya ako kamahal, bakit hindi ko rin gawin iyon?

Sinubukan kong ngumiti ngunit hindi ko maatim gawin iyon. "Paniwalaan mo po sana ako Tita kung sasabihin kong hindi iisang beses kong pinigilan ang nararamdaman ko kay Reeve. Several times I tried and succeeded, but many times I failed to do so. Umiwas kaming pareho dahil alam naming mali. Umiwas kami dahil pareho naming alam na magkadugo kami, na malayo ang posibilidad na puwedeng magkasama kami. Mali sa paningin ng lahat, mali sa batas, mali sa mga mata ng Diyos. Hirap man, sinubukan ko pa rin po na pigilan ang nararamdaman ko dahil ayokong mahusgahan ako, o mahusgahan si Reeve, sa pagkakamaling pareho naming pinasok. Tita, wala po akong sapat na rason upang hindi kayo magalit sa akin at kay Reeve. I have nothing against you. Karapatan niyo pong magalit sa amin dahil sa pagkakamali namin" pinahid ko ang luhang bumagsak sa pisngi ko. "Dinidikta ng isip ko na layuan na si Reeve dahil mali ito pero pinipilit po ng isip ko na tama. Kay Reeve lang tumibok ang puso ko Tita, sa sarili kong pinsan. At maling mali pa. Ang labo po eh. Dahil kung sino pa ang pinsan ko, siya pa ang sinisigaw ng puso ko," tuluyan na akong napahagulgol.

Ang anyo ni Tita ay puno ng pagkalito, panghihinayang. Disbelief was evident in her eyes. "And my son has fallen deep in love with you too..." pabulong niyang wika.

Humugot ako ng malalim na hininga nang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Reeve. My engineer...

"You can't love him, Yasi," iling ni Tita. "Hiwalayan mo ang anak ko. Break up with him and leave him,"

His Personal Mistress✔️[18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon