22

94.4K 2.9K 1.4K
                                    

Narcido Jonas Juariz

My eyes followed Denisse's every move he makes in the kitchen. Pagkatapos ko itong halikan ilang araw na ang nakakalipas, akala ko ay magbabalik-loob na ito sa akin. I thought he'd give in to me again. Pero mas lalo lang ako nitong iniwasan.

And it's making me crazy. Nawalan na rin ako ng ganang kausapin si Shanice simula noong sinabi ni Denisse na nahuli niya akong kausap ito. I feel like he's slipping out of my grasp. And I don't like the feeling of losing what's mine over someone.

Inilapag nito ang tasa ng kape sa harapan ko bago ito naglakad paalis sa akin. He didn't even asked me if I wanted something else like he used to do. Ganun na ba siya ka-atat makipag-usap sa putanginang Jordan na 'yon?

I turned around and caught his arms. Hindi ko makita ng maayos ekspresyon nito dahil tanging liwanag lang na nanggagaling sa buwan ang ilaw dito sa kusina. I woke him up in the middle of the night para magpatimpla ng kape. It's not that I'm incapable of creating my own coffee but I want him to suffer with me. Ilang gabi na akong walang maayos na tulog dahil sa kanya.

"M-may kailangan ka pa ba?" Bumaba ang tingin ko sa bibig nito.

He's ruining my system. Palaging bumabalik sa isipan ko ang labi niya. That fucking delectable lips. Sometimes I find myself staring on his  lips. Parang gusto ko nalang hilahin ang mukha niya at siilin ng halik ang bibig nito. Ang bibig nitong naglalabas ng mga di kaaya-ayang mga salita. Naiinis ako tuwing lumalabas sa bibig nito ang salitang divorce at hiwalay.

"Samahan mo ako." It wasn't a question or a statement. It was a command.

"Jonas, it's already one in the morning. Maaga pa akong maghahanda para bukas." Aniya at sinubukang hilahin ang kamay niya mula sa akin but I refused to let go. Pakiramdam ko lalala ang pag-iisip ko sa kanya pag pinalagpas ko pa ang gabing 'to.

"I said, join me." Ang may diin kong sabi dito bago siya hinila papunta malapit sa sliding door. Pinaupo ko siya sa pangdalawang lamesa doon at bumalik sa counter para kunin ang kape ko.

Bago ko kunin ang ang kape ko, nagsalin muna ako ng gatas sa isang baso. Inilapag ko ito sa harapan niya bago ako naupo. He looked up to me with a surprise look on his face. Pabalik-balik ang tingin nito sa baso ng gatas at sa akin.

"A-ano to?"

"Ano sa tingin mo?" Balik tanong ko dito.

Iniwas nito ang paningin sa akin at tumingin sa malayo. "Sa taas ko na lang to iinumin. Thank you."

"Sit down and drink your milk here." Utos ko dito nang makitang tumayo ito mula sa pagkakaupo.

I heard him sigh deeply at naiinis na naupo muli sa harapan ko. And I couldn't help but smirk at his annoyed face. Dinampot nito ang baso at mabilis na nilagok ang isang baso ng gatas. Hingal niyang inilapag ang baso  sa harapan ko.

My throat dried as my stares made it's way on his wet lips. It was slightly parted at may kaunting gatas pang tumulo doon. Mas lalong nandilim ang paningin ko ng dilaan nito ang ibabang labi niya at kagatin.

Fuck!

"Stop doing that." I almost growled at him. Parang tanga itong tumingin sa akin. Halatang nagtataka ito sa inakto ko.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon