CHAPTER 38

1M 36.3K 52.6K
                                    


CHAPTER 38

"WE HAVE to go," anunsyo ni Maxwell mayamaya. "We have to go back to the hospital."

Napako ako sa kinatatayuan ko, patalikod sa pinanggalingan ng tinig niya. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Sa isip ko ay hihintayin ko na lang silang makaalis nang sa gano'n ay walang makakita sa pag-iyak ko.

"Are you okay, Yaz?" hindi ko inaasahang itatanong 'yon ni Maxwell. Mahihimigan ang alinlangan sa tinig niya pero pilit ko iyong binalewala.

"Yeah, of course," hindi ko pa rin nagawang humarap sa gawi niya.

Dinig ko siyang bumuntong-hininga. "I'm...leaving," mahinang dagdag niya.

Nahugot ko ang hininga saka pinigilang maluha ulit. Leave... Hindi ko na mapangalanan ang matinding lungkot sa puso ko. Nasasaktan ako sa katotohanang wala na siya sa 'kin. Nadudurog ako na makitang nasasaktan ko siya. Nalulungkot ako na hindi na ako ang kasama niya, hindi na ako ang nilalambing niya, hindi na ako ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa kaniya. Natatakot ako na tuluyan nang mawala ang nararamdaman niya sa 'kin kapag nagpatuloy pa 'to.

Pero paano ko siyang susuyuin kung ganitong umiiwas siya sa 'kin? Paano ko sasabihing nagkamali lang ulit ako? Paano niya paniniwalaang siya talaga ang mahal ko? Paano ko mapatutunayang hindi ko kayang mawala siya? Paano ko maibabalik ang tiwala niya?

Lalo akong naluha sa dami ng isipin na halos mapahawak ako sa sink at humihikbing umiyak nang umiyak. Napakahirap pigilan ng mga luha kapag nasasaktan ka nang sobra-sobra. Pero mas mahirap pa lang pigilan 'yon kapag alam mong ikaw ang nagkamali.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak nang umiyak saka sinikap na mapatahan ang sarili ko.

Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang pagbaling ko ay naroon si Maxwell at deretsong nakatingin sa 'kin.

Para na namang piniga ang puso ko nang makita kung gaano kalungkot ang mga mata niya. May nagsasabi sa 'kin na hindi niya rin gusto na makita akong ganito. May nagsasabi sa 'kin na nasasaktan din siya. May nagsasabi sa 'kin na mahal niya pa rin ako at hindi 'yon nagbabago.

Pero hindi ko mahugutan ng lakas ng loob ang sarili ko para ipangalandakan ang nararamdaman ko. Nakokonsensya ako sa pagkakamaling nagawa ko at hindi ko alam kung paano ko pa 'yong mababawi.

"Papasok na 'ko," mahinang aniya matapos saka nagbaba ng tingin.

"Ingat," 'yon lang ang nasabi ko.

Sandali pa niyang itinuon ang paningin sa gawi ko saka ako tuluyang tinalikuran. Pumatak na naman ang mga luha ko nang sundan ko siya ng tingin. Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling nahawakan ang likuran at mga balikat niya. Ang mga 'yon ang paborito kong tingnan sa kabuuan niya, bukod sa mukha. Ngayong ganito ang pinagdaraanan namin, bakit bigla ay gusto ko iyong yakapin.

Unti-unting lumabo si Maxwell sa paningin ko nang mapuno ng luha ang mga mata ko. Pero luminaw iyon nang humakbang si Maxrill papunta sa harapan ko para wala na akong ibang matanaw bukod sa kaniya.

Sandali akong napatitig sa kaniya saka bahagyang yumuko. Pinunasan ko ang mga luha ko nang paulit-ulit saka nag-iwas ng tingin. Nakita ko sa gilid ng aking paningin ang paghakbang niya palapit, maging ang pag-alok niya ng panyo sa akin. Doon nahulog ang paningin ko nang lumingon ako. Wala pa man ay naluluha na naman ako nang tanggapin 'yon.

Matunog siyang bumuntong-hininga saka tinanaw ang pag-alis ng kapatid. Marahan kong inalis ang paningin sa kaniya at tinanaw rin ang paglayo ng sasakyan ni Maxwell. Bigla ay hinawakan ni Maxrill ang kamay ko at bago ko pa siya matingnan ay hinila niya na ako.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon